Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-atake ng BIFF sa ilang lugar sa North Cotabato, posibleng may kinalaman sa pagpapasa ng BBL

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2014) ---Malaki ang paniniwala ni Lt. Col. Roberto Huet, ang Commanding Officer ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army na posibleng may kinalaman sa pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law o BBL ang motibo sa ginawang pagsalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa magkahiwalay na lugar sa Midsayap.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kasabay ng pagtitiyak na hindi naman maaapektuhan ang gumagandang kasunduan sa usapang pangkapayapaan ng MILF at ng gobyerno.


Matatanddan na unang sinalakay ng BIFF ang brgy. Baliki sa bayan ng Midsayap alas 10:00 ng gabi nitong Miyerkules at sinundan ng pag-atake nila sa detachment ng sundalo sa Sitio Makabinban, Brgy Palongoguen sa nasabi ring bayan alas pasado alas 6:00 kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ni Lt. Col Huet, abot na sa 12 ang namatay kungsaan 2 ang nasawi sa sundalo habang 10 naman sa panig ng BIFF pero apat pa lamang dito ang kumpirmado, ayon sa opisyal.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina PFC Merham Dalimbang at PFC Marli Kalilangan.

Sugatan naman sina Staff Sargeant (SSGT) Jose Navarro,PFC Melron Balolong,SGT Dante Alfonzo,CPL Darwin Timbang,PFC Jeffrey Daza at PFC Ronnie Abas Patikanan,pawang nakatalaga sa Alpha Company ng 40th Infantry Battalion Philippine Army.


Papasok pa lang ang pwersa ng 40th Infantry Battalion Phil.Army sa lugar ay agad itong napasabak sa matinding engkwentro sa mga rebelde na tumagal ng halos dalawang oras na palitan ng putok sa magkabilang panig. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento