Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 mga bata, patay makaraang tamaan ng tigdas sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ September 9, 2014) ---Tatlo katao ang naiulat na namatay makaraang tamaan ng sakit na tigdas sa dalawang magkahiwalay na Sitios ng Brgy. Pisan, Kabacan.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Brgy. Pisan Secretary Corazon Antonio. 

Kinilala ang mga biktima na sina Angel Heart Adim, Precious Miles Adim, magkapatid na nakatira sa Purok Cueva at isang di pa kilalang bata na nakatira sa Purok Kalimudan Barangay Pisan, Kabacan, Cotabato.

Sinabi ni Antonio na naisugod pa sa bahay pagamutan ang dalawang magkapatid na Lumad pero dahil sa matinding kumplikasyon ay binawian na rin ng buhay ang magkapatid na Alim nito pang Setyembre a-1. 

Nabatid na tatlong linggo ng namonitor na may tigdas sa lugar bago pa man namatay ang dalawa. 

Napag-alaman pa mula sa kalihim ng barangay na bago binawian ng buhay ang magkapatid na Alim ay may namatay na rin sa tigdas ang isa pang batang Muslim na sinasabing residente ng Purok Kalimudan ng nasabing barangay.

Hindi pa matiyak kung nabigyan ng Anti-measles vaccine ang mga biktima.

Dagdag pa ni Antonio na gumagawa naman ang aksiyon ang Rural Health Unit ng Kabacan kasama ang Barangay Health Unit ng Barangay Pisan para sa pagsugpo ng naturang sakit. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento