By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ September 10,
2014) ---Pinangunahan ng Department of Social and Welfare and Development o
DSWD and pamamahagi ng mga proyekto sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan
Sustainable Livelihood Program o PAMANA- SLP ngayong araw sa bayan ng Alamada,
North Cotabato.
Abot sa labimpitong barangay sa nabanggit na
bayan ang benipisyaryo ng programa kung saan tinatayang 5.1 milyong piso ang
kabuuang halaga ng mga ipinamahaging proyekto tulad ng mini warehouses, solar
driers at post harvest facilities.
Nabatid na ang PAMANA- SLP ay program grant
mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP na
iniimplementa ng DSWD sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.
Sa kanyang mensahe ay sinabi ni DSWD Project
Development Officer III and Coach Monitor for Region XII Vergel Cabugayan na
unang bahagi pa lamang ito ng programa dahil magpapatuloy pa ang implementasyon
ng proyekto mula ngayong taon hanggang sa 2015. Umaasa si Cabugayan na makatutulong
sa mga benepisyaryo ang mga nasabing proyekto.
Ipinamahagi rin sa mga benepisyaryo ang
certificates of project completion, project acceptance at DOLE registration sa
presensya ng barangay and municipal officials, representatives mula sa
unipormadong hanay at ng tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan.
Samantala, hinikayat ni Alamada PAMANA- SLP
Association Federation President Perla Ylanan ang kapwa niya mga benepisyaryo
na alagaan at paunlarin ang mga proyektong kanilang natanggap tungo sa pagkamit
ng mapayapa at masaganang pamumuhay.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento