Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kolurom na tricycle sa Kabacan, Cotabato at mga walang prangkisa; naglipana pa rin 

Matapos magbigay ng tatlong buwang palugit ang Franchising Office ng LGU-Kabacan simula buwan ng Enero hanggang Marso ng taong ito para sa pagpaparehistro at pagrenew ng mga prangkisa ng mga tricycle drivers at operators.

Marami pa rin sa mga kolurom na tricycle na may rutang 1A-1 na mga Municipal Tricycle for Hire ang pumapasada na mga kolurom.

Ito ay ayon kay Franchising Officer Nehemias Ullo kungsaan may 50 mga tricycle ang hindi pa nakapag-renew.

Dahil dito agad na nagpulong ang committee on transportation ng Sangguniang bayan para mapag-usapan ang nasabing problema.

Para kay Councilor JC Guzman, ang humahawak ng committee on transportation umapela ito na dapat ipatawag muna ang mga President ng iba’t-ibang organisasyon ng tricycle sa bayan para alamin kung sinung mga tricycle driver ang hindi pa nakapagparenew.

Ang masakit pa may mga report kasi na ang ilang mga prangkisa ay benibenta ng ilan at maging ang mga control number ng kanilang sasakyan.

Kung si Atty. Edmundo Apuhin, kasapi ng committee on transportation ang tatanungin, it’s a matter of political will, ang mahigpit na pagpapatupad ng nasabing ordinansa.

Ginawa ang committee hearing kahapon ng umaga na dinaluhan din ni councilor George Manuel, Councilor Rolly Dapon, Deputy Chief of Police Winston Seniel kungsaan nakatakda namang isasalang ang nasabing usapin ngayong umaga sa regular na session ng Sangguniang Bayan.


Retaliation nakikitang implikasyon sa pagkamatay ni Osama Bin Laden – ayon sa isang expert in Political Issues in Relation to Peace and Order ng USM

Para kay Department of Social Science and Philosophy chairman Marcos Monderin, expert in Perspective in Political Issues in Relation to Peace and Order ng University of Southern Mindanao retaliation ang nakikita nitong implikasyon sa pagkamatay ni Osama bin Laden ang tinaguriang lider ng terorismo ng mundo.

Aniya, natural lamang umano na magsagawa ng resbak ang extremist group na sumusuporta sa kay bin Laden dahil itinuturing kasi nilang bayani si bin Laden dahil siya ang sumusulong sa kanilang adhikain o prinsipyo sa buhay.

Aminado rin si Monderin na hindi ligtas ang Pilipinas na maging posibleng i-mobilize ng mga extremist group na gantihan ang mga namumuno ng mga bansang kaaway ni Bin Laden.

Una rito, pinawi ngayon ng gobyerno ang pangamba ng publiko hinggil sa posibleng ganti ng mga terorista kasunod ng pagkakapaslang ng kanilang kinikilalang lider na si Osama Bin Laden.
Kahapon, nagsagawa ng briefing ang mga security agencies sa Presidential Situation Room (PSR) para i-assess ang terror threat sa bansa kasunod ng nasabing development.
Sinabi ni National Security Adviser (NSA) Cesar Garcia, walang direktang banta ng terorismo sa National Capital Region (NCR) at sa mga karatig na lalawigan.
Pero sa labas lalo sa Mindanao area (Reg.9,10 at ARMM), nasa high level umano ang banta ng terorismo kung saan naroon ang intensyon at may kakayahan din ang mga terorista na isagawa.
Partikular umanong binabantayan ng otoridad ang Abu Sayyaf group (ASG) na may koneksyon sa Al-Qaeda terror group ni Bin Laden.


Special report: Mga Pinoy na nagugutom at naghihirap mas dumarami –SWS Survey habang ang di pagkain ng maayos at tatlong beses sa isang araw indikasyon ng kahirapan –ayon sa isang isang prof ng Social Science ng USM

Mas dumami pa ang bilang ng mga Pilipino na nagugutom, ayon sa Social Weather Station (SWS) survey.

May 4.1 milyong pamilya ang ngayo’y nagugutom habang ilang Pinoy ang kinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahihirap na mamamayan.

Anu nga ba ang batayan ng kahirapan?

Para kay USM department of Social Science and Philosophy chair Marcos Monderin ang hindi pagkain ng tatlong beses sa isang araw indikasyon ito ng kahirapan.

Bukod dito, tumaas din umano ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing “mahirap” ang kanilang kalagayan ngayon sa buhay.

AYON sa pagtaya ng World Bank, P30-bilyon ang nasasayang dahil sa corruption bawat taon. Ayon pa sa report ng WB, bumaba rin ang stability ng bansa sa huling dekada. Mula sa 11.0 noong 1998, naging 9.5 noong 2004 at 5.0 noong 2007.

Samantala, kinukunsedera rin ni Monderin na ang pagloload sa cellphone ay isang basic necessity sa ngayon dala ng makabagong teknolihiya.




Mahigit 20 proposed ordinances sabay-sabay na isinumite ng isang konsehal sa Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan

DI MAGKANDAUGAGA sa pagtanggap ng napakaraming kopya ng mga proposed ordinance mula sa konsehal na si Jivy Roe Bombeo ang secretary at staff ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan city.

Bandang alas-330 ng hapon, kamakalawa, isinumite ng first termer na konsehal na si Bombeo ang mga kopya ng 26 na mga proposed ordinance na kanyang inakda sa secretary ng Sanggunian na si Nimfa Initan.

Kauna-unahan raw ito sa kasaysayan ng Sangguniang Panglungsod, ayon kay Initan.
           
SI INITAN ay nagtrabaho na sa Sanggunian noon pang dekada ’90 at sinabi niya’ng kahapon lang siya nakatanggap ng gano’n karaming proposal mula sa nag-iisang konsehal.

Kabilang sa mga proposal na isinumite ni Bombeo ang patungkol sa pagbabawal sa paggamit ng mobile phone kapag nagda-drive; ang pagpapataw ng matinding parusa sa mga prank callers; pagbabawal sa illegal connection ng cable; paghihigpit ng mga batas kontra child labor sa lungsod; at iba pa.

Iminungkahi rin ni Bombeo, sa pamamagitan ng isang legislative measure, ang pagbubuo ng labor-management cooperation council sa lungsod.  

Layon ng naturang ordinansa na matiyak na protektado ang karapatan, interes, at kagalingan ng mga manggagawa sa lungsod.

Sa press conference, sinabi ni Bombeo na ang mga proposal ibinatay niya sa isinagawa niya’ng serye ng konsultasyon sa kanyang mga constituent, simula nang siya ay maupo bilang miyembro ng Sanggunian noong Mayo ng isang taon.

Si Bombeo ang itinalaga bilang chairman ng SP Committee on Education.


39-anyos na wanted  na lalaki sa Davao del sur; arestado sa Carmen, Cotabato

Arestado ng mga pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Carmen PNP at ng mga Civilian volunteer Organization o CVO ang isang wanted na lalaki sa brgy. Liliongan, Carmen, Cotabato dakong ala 1:25 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Carmen PNP sa pamumuno ni Chief of Police Jordine Maribojo ang suspek na si Julito Delari, 39, may asawa at residente ng brgy. Kiblawan, Davao Del Sur.

Ang suspek ay inaresto dahil sa kinakaharap nitong kasong murder sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC branch 18 ng Digos City.

Nabatid na ang suspek ay nagtatago sa nabanggit na lugar ng mahigit sa isang taon.

Kaya ng malaman na may kaso pala itong kinakaharap, agad na nagsagawa ng close investigation at surveillance ang mga police intelligence at sa tulong na rin ng mga barangay opisyal sa lugar at sa pakikipagtulungan na rin ng Kiblawan pulis na nagresulta ng pagkahuli ng nasabing suspek.

Sa ngayon kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Carmen Lock-up Cell habang inihahanda ang karampatang kasong isasampa laban sa kanya.

Mahigit 20 proposed ordinances sabay-sabay na isinumite ng isang konsehal sa Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan

DI MAGKANDAUGAGA sa pagtanggap ng napakaraming kopya ng mga proposed ordinance mula sa konsehal na si Jivy Roe Bombeo ang secretary at staff ng Sangguniang Panglungsod.
           
Bandang alas-330 ng hapon, kahapon, isinumite ng first termer na konsehal na si Bombeo ang mga kopya ng 26 na mga proposed ordinance na kanyang inakda sa secretary ng Sanggunian na si Nimfa Initan.

Kauna-unahan raw ito sa kasaysayan ng Sangguniang Panglungsod, ayon kay Initan.
           
SI INITAN ay nagtrabaho na sa Sanggunian noon pang dekada ’90 at sinabi niya’ng kahapon lang siya nakatanggap ng gano’n karaming proposal mula sa nag-iisang konsehal.
           
Kabilang sa mga proposal na isinumite ni Bombeo ang patungkol sa pagbabawal sa paggamit ng mobile phone kapag nagda-drive; ang pagpapataw ng matinding parusa sa mga prank callers; pagbabawal sa illegal connection ng cable; paghihigpit ng mga batas kontra child labor sa lungsod; at iba pa.

Iminungkahi rin ni Bombeo, sa pamamagitan ng isang legislative measure, ang pagbubuo ng labor-management cooperation council sa lungsod.  

Layon ng naturang ordinansa na matiyak na protektado ang karapatan, interes, at kagalingan ng mga manggagawa sa lungsod.

Sa press conference, sinabi ni Bombeo na ang mga proposal ibinatay niya sa isinagawa niya’ng serye ng konsultasyon sa kanyang mga constituent, simula nang siya ay maupo bilang miyembro ng Sanggunian noong Mayo ng isang taon.Si Bombeo ang itinalaga bilang chairman ng SP Committee on Education.
        


Magakapatid na taga-Kidapawan City na pasok para sa Mini-audition ng Pilipinas Got Talent; tutulak na sa Maynila ngayong araw

DI MAGKANDAUGAGA sa mahabang pila ng mga nagpa-audition sa Kidapawan City ang crew ng ABS-CBN Davao. Nagsimula ang pilahan sa gym ng Colegio de Kidapawan bandang alas-4 ng madaling araw, noong Lunes.

Ang iba nagmula pa sa Cotabato City, Sultan Kudarat, at Davao del Sur at pumila para lang magkaroon ng pagkakataon maipakita ang angking talento sa pagkanta, pag-arte, at kung anu-ano pa.

Ayon kay Marife Pame, in-charge ng Investment and Tourism Promotions office ng City LGU, bandang alas-9 na ng umaga pormal na nagsimula ang mini-audition. At abot lang sa 200 na mga hopefuls ang nabigyan ng pagkakataon, kahapon.

Pagkatapos ng mini-audition sa Kidapawan City, tumulak na patungong Digos City ang crew ng ABS-CBN para mangalap ng mga lalahok sa Season 3 ng Pilipinas Got Talent.

Ayon kay Pame, ang maging host ng isang mini-audition para sa isang napakalaking nationwide na talent search ay isang karangalan na sa taga-Kidapawan City.

Samantala, puspusan na ang paghahanda’ng ginagawa ng magkapatid na Gracelle at Kristel Lapinid para sa live performance nila ngayong Sabado, May 7, sa Pagcor stadium sa Maynila. Tutulak sila ng Maynila, kasama ng ina na si Marlyn, ngayon araw.

Ngayon pa lang, humihingi na ng suporta sa taga-North Cotabato at sa buong Region 12 ang Lapinid Sisters na kilala rin bilang Pink Sisters sa kanilang performance bilang semi-finalist ng PGT Season 2.

Ayon sa Lapinid sisters, ang anumang tagumpay nila alay nila sa Diyos at sa buong North Cotabato.
            

Planning officer ng Kidapawan LGU no-show sa ipinatawag na legislative inquiry ng Sangguniang Panglungsod patungkol sa umano ‘missing funds’

HINDI dumalo sa ipinatawag na legislative inquiry ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan noong Huwebes si Ben Catolico, ang head ng City Planning and Development Office ng Kidapawan LGU.
          
Katwiran ni Catolico, wala siya’ng alam sa mahigit P77.3 million na pondo na umano ay pumasok sa kabang-bayan ng lungsod.
          
Bilang pinuno ng CPDC, naniniwala ang Sanggunian na may alam si Catolico sa mga pondong pumapasok sa city treasury.
          
Isasalang sana sa question hour si Catolico pero dahil ‘di ito sumipot, hindi naganap ang inaasahang ‘inquiry’.
          
Batay sa mga dokumentong hawak ni city councilor Lauro Taynan, pumasok sa kabang-bayan ng Kidapawan City LGU ang mga sumusunod na pondo – UNA, P30 million na financial assistance mula sa Department of Agriculture para sa mga itatayong farm-to-market roads na pumasok umano sa pondo ng city government noon pang 2008; PANGALAWA, P1.187 million na financial assistance mula sa Protected Areas and Wildlife Bureau ng Department of Environment and Natural Resources para sa Mount Apo reforestation project mula taong 2009 hanggang 2010; PANGATLO, P14.151 million na pondo o royalty share mula sa Department of Energy para sa electrification projects noong 2008; PANG-APAT, P4.464 million mula pa rin sa DoE para sa O’ Ilaw Projects noong 2008; P2.5 million mula kay Senator Edgardo Angara; P20 million mula kay dating House Speaker Prospero Nograles; at P5 million mula kay Congressman Daryl Grace Abayon ng Aangat Tayo Party-list.

Pero ang ‘di pagsipot ni Catolico ‘di raw hadlang sa imbestigasyon na gagawin ng Sanggunian, ayon kay Taynan.  Ipatatawag rin nila ang iba pang mga department heads mula sa City Treasury, City Accounting, at iba pang opisina.

NAIS ng Sanggunian na malaman kung nasaan na ang pondo at kung ito ba ay nagamit nang maayos.

MGA bakwit sa North Cotabato noong August 2008 tatanggap ng iron-fortified rice mula sa World Food Program

PILI ang makatatanggap ng iron-fortified rice mula sa World Food Program o WFP ng United Nations.

Ito ang nilinaw ni Cotabato Governor Lala Mendoza.

Sa panayam, sinabi ni Mendoza na ang prayoridad ng programa ay mga bakwit mula sa mga bayan ng Aleosan at Pikit na na-displace dahil sa giyera noong August 2008.

Ang pagpili sa kanila ibinatay sa monitoring na ginawa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

GAGAWIN ngayong araw ang ceremonial turn-over ng iron-fortified rice assistance ng WFP na nakatakdang saksihan ni DSWD Secretary Dinky Soliman.

Inaasahan din ang presensiya nina Stephen Anderson, ang country director at representative ng WFP sa Pilipinas at Miss KC Concepcion, ang World Food Programme National Ambassador Against Hunger.

Maituturing na large-scale ang rice commitment na ito ng WFP-UN, lalo na para sa mga conflict-affected area sa Mindanao, kabilang na rito ang North Cotabato sa Region 12.   


Narekober ng elemento ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P/Supt. Joseph Semillano ang isang nakaw na motorsiklo mula sa bayan ng Libungan, Cotabato dakong alas 6:00 ng umaga kahapon.

Sa report ng Kabacan PNP, napag-alaman na ang nasabing motorsiklo na XRM 125, kulay itim at may plate # 7348LJ ay pag-mamay ari ni Nenita Dugho residente ng Poblacon, Libungan, Cotabato.

Ang nasabing motorsiklo ay ninakaw ng dalawang mga babaeng salarin noong Lunes, ayon sa report ng Libungan Municipal Police Station.

Sa report na nakarating kahapon ng umaga sa Kabacan PNP, isang vehicular accident ang naganap sa National Highway partikular sa harap ng Novo Establishment alas 6:00 ng umaga kahapon kungsaan dalawang mga minor de edad na babae ang sangkot dito.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga pulisya walang mga kaukulang dokumentong ipinakita ang dalawang mga minor de edad na mga babae na itago lang natin sa pangalang “Mara” 13-taong taong gulang, residente ng barangay Lika, Mlang, Cotabato at backrider nitong itago lang sa pangalang “Clara”, 16-anyos residente ng Barangay Malapaan, Pikit, Cotabato.

Dito na nalaman na ang kanilang minamanehong motorsiklo ay nakaw.

Ang nasabing ninakaw na motorsiklo ay agad namang ini-turn-over sa may-ari ng Kabacan PNP sa pamamagitan ng Libungan PNP.

Peace and development efforts ng 57th IB sa North Cotabato magpapatuloy kahit pa bihag ng NPA ang dalawa nila’ng mga sundalo

MAHIGPIT na ipinag-utos ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapaigting ng mga peace and development initiatives, lalo na sa mahihirap na bayan sa rehiyon ng Mindanao na matindi ang insureksyon o rebelyon.
        Ito ay sa kabila pa man ng pagkakabihag ng New Peoples’ Army o NPA sa North Cotabato ng dalawang mga sundalo’ng miyembro ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army.
        Sa panawagang pull-out ng military troops sa mga lugar kung saan posibleng pinagtaguan kina Cpl. Delfin Sarocam at Pfc. Jayson Valenzuela, ayon kay 57th IB commander Lt. Col. Juvencio Gonzales, ay ‘di raw mangyayari.
        An`g mga tropa ng 57th IB sa North Cotabato, ayon kay Gonzales, ay magpapatuloy sa gagawin nilang community and security patrol operations.
        NILINAW ni Gonzales na ang mga sundalo’ng sina Sarocam at Valenzuela ay ‘di kasama sa active combat operations ng 57th IB kundi aktibo sila sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa mga lugar na mataas na poverty incidence o sa mga lugar na itinuturing na rebel-infested.

Mga otoridad patuloy na tinutugis ang responsable sa pamamaril sa isang lider ng “Tapas Karga” sa Carmen, Cotabato

Patuloy ngayon ang isinasagawang follow-up investigation ng Carmen PNP sa pamamaril sa  isang lider ng ‘tapas karga’ sa isang sugar cane plantation sa brgy. Kibenes, Carmen, Cotabato noong gabi ng Miyerkules.

Kinilala ng Carmen PNP sa pamumuno ni chief of Police Jordine Maribojo, ang biktima na si Marivic Inog, nasa tamang edad, residente ng Magpet, Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat nabatid na pinagbabaril si Inog sa loob ng kanyang nirerentahang bahay sa nabanggit na lugar ng armadong salarin gamit ang di pa matukoy na uri ng armas na naging dahilan kung bakit nagtamo ito ng iba’t ibang tama ng bala sa kanyang katawan.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng karampatang lunas habang agad namang tumakas ang salarin matapos ang insedente.

Sa ngayon inatasan na ni Mayor Roger Taliño ang mga pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para matumbok ang motibo sa pamamaril.



Limang suspected drug couriers arestado sa Kabacan, North Cotabato

LIMA katao na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa bayan ng Kabacan ang inaresto ng mga operatiba ng Kabacan PNP sa magkakahiwalay na buy-bust operations, noong nakaraang linggo.
       
Ang pinakahui sa mga nahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P/Supt Joseph Semillano, ay sina Paul John Alipio,27; Badjuri Dimanalao; Gandayan Landasan; at Mamot Akoy Panggao.
       
Ang isa pang suspect na nakilalang si Anthony Macabio Lopez noon pang nakaraang buwan ipinasok sa kulungan at nasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
       
Pawang sa drug buy-bust operations na isinagawa sa Purok Krislam sa Poblacion ng Kabacan naaresto ang mga suspect.   
       
Ang Purok Krislam, ayon pa kay Semillano ay tinaguriang ‘drug haven’ o lugar kung saan talamak ang bentahan ng illegal na droga, tulad ng shabu.
       
Ang babaeng drug courier na si Panggao, ayon kay Buletic, ay nakuhanan ng maraming sealed cellophane na may lamang shabu na itinago nito sa kanyang bra, noong siya’y arestuhin.
       
Posibleng maiakyat na sa korte ang kaso ng mga ito para mailipat na sila sa North Cotabato provincial jail sa Amas complex sa Kidapawan City mula sa detention cell ng Kabacan PNP.