Mga otoridad patuloy na tinutugis ang responsable sa pamamaril sa isang lider ng “Tapas Karga” sa Carmen, Cotabato
Patuloy ngayon ang isinasagawang follow-up investigation ng Carmen PNP sa pamamaril sa isang lider ng ‘tapas karga’ sa isang sugar cane plantation sa brgy. Kibenes, Carmen, Cotabato noong gabi ng Miyerkules.
Kinilala ng Carmen PNP sa pamumuno ni chief of Police Jordine Maribojo, ang biktima na si Marivic Inog, nasa tamang edad, residente ng Magpet, Cotabato.
Sa inisyal na pagsisiyasat nabatid na pinagbabaril si Inog sa loob ng kanyang nirerentahang bahay sa nabanggit na lugar ng armadong salarin gamit ang di pa matukoy na uri ng armas na naging dahilan kung bakit nagtamo ito ng iba’t ibang tama ng bala sa kanyang katawan.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng karampatang lunas habang agad namang tumakas ang salarin matapos ang insedente.
Sa ngayon inatasan na ni Mayor Roger Taliño ang mga pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para matumbok ang motibo sa pamamaril.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento