Magakapatid na taga-Kidapawan City na pasok para sa Mini-audition ng Pilipinas Got Talent; tutulak na sa Maynila ngayong araw
DI MAGKANDAUGAGA sa mahabang pila ng mga nagpa-audition sa Kidapawan City ang crew ng ABS-CBN Davao. Nagsimula ang pilahan sa gym ng Colegio de Kidapawan bandang alas-4 ng madaling araw, noong Lunes.
Ang iba nagmula pa sa Cotabato City , Sultan Kudarat, at Davao del Sur at pumila para lang magkaroon ng pagkakataon maipakita ang angking talento sa pagkanta, pag-arte, at kung anu-ano pa.
Ayon kay Marife Pame, in-charge ng Investment and Tourism Promotions office ng City LGU, bandang alas-9 na ng umaga pormal na nagsimula ang mini-audition. At abot lang sa 200 na mga hopefuls ang nabigyan ng pagkakataon, kahapon.
Pagkatapos ng mini-audition sa Kidapawan City, tumulak na patungong Digos City ang crew ng ABS-CBN para mangalap ng mga lalahok sa Season 3 ng Pilipinas Got Talent.
Ayon kay Pame, ang maging host ng isang mini-audition para sa isang napakalaking nationwide na talent search ay isang karangalan na sa taga-Kidapawan City .
Samantala, puspusan na ang paghahanda’ng ginagawa ng magkapatid na Gracelle at Kristel Lapinid para sa live performance nila ngayong Sabado, May 7, sa Pagcor stadium sa Maynila. Tutulak sila ng Maynila, kasama ng ina na si Marlyn, ngayon araw.
Ngayon pa lang, humihingi na ng suporta sa taga-North Cotabato at sa buong Region 12 ang Lapinid Sisters na kilala rin bilang Pink Sisters sa kanilang performance bilang semi-finalist ng PGT Season 2.
Ayon sa Lapinid sisters, ang anumang tagumpay nila alay nila sa Diyos at sa buong North Cotabato .
0 comments:
Mag-post ng isang Komento