MGA bakwit sa North Cotabato noong August 2008 tatanggap ng iron-fortified rice mula sa World Food Program
PILI ang makatatanggap ng iron-fortified rice mula sa World Food Program o WFP ng United Nations.
Ito ang nilinaw ni Cotabato Governor Lala Mendoza .
Sa panayam, sinabi ni Mendoza na ang prayoridad ng programa ay mga bakwit mula sa mga bayan ng Aleosan at Pikit na na-displace dahil sa giyera noong August 2008.
Ang pagpili sa kanila ibinatay sa monitoring na ginawa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
GAGAWIN ngayong araw ang ceremonial turn-over ng iron-fortified rice assistance ng WFP na nakatakdang saksihan ni DSWD Secretary Dinky Soliman.
Inaasahan din ang presensiya nina Stephen Anderson, ang country director at representative ng WFP sa Pilipinas at Miss KC Concepcion, ang World Food Programme National Ambassador Against Hunger.
Maituturing na large-scale ang rice commitment na ito ng WFP-UN, lalo na para sa mga conflict-affected area sa Mindanao , kabilang na rito ang North Cotabato sa Region 12.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento