Retaliation nakikitang implikasyon sa pagkamatay ni Osama Bin Laden – ayon sa isang expert in Political Issues in Relation to Peace and Order ng USM
Para kay Department of Social Science and Philosophy chairman Marcos Monderin, expert in Perspective in Political Issues in Relation to Peace and Order ng University of Southern Mindanao retaliation ang nakikita nitong implikasyon sa pagkamatay ni Osama bin Laden ang tinaguriang lider ng terorismo ng mundo.
Aniya, natural lamang umano na magsagawa ng resbak ang extremist group na sumusuporta sa kay bin Laden dahil itinuturing kasi nilang bayani si bin Laden dahil siya ang sumusulong sa kanilang adhikain o prinsipyo sa buhay.
Aminado rin si Monderin na hindi ligtas ang Pilipinas na maging posibleng i-mobilize ng mga extremist group na gantihan ang mga namumuno ng mga bansang kaaway ni Bin Laden.
Una rito, pinawi ngayon ng gobyerno ang pangamba ng publiko hinggil sa posibleng ganti ng mga terorista kasunod ng pagkakapaslang ng kanilang kinikilalang lider na si Osama Bin Laden.
Kahapon, nagsagawa ng briefing ang mga security agencies sa Presidential Situation Room (PSR) para i-assess ang terror threat sa bansa kasunod ng nasabing development.
Sinabi ni National Security Adviser (NSA) Cesar Garcia, walang direktang banta ng terorismo sa National Capital Region (NCR) at sa mga karatig na lalawigan.
Pero sa labas lalo sa Mindanao area (Reg.9,10 at ARMM), nasa high level umano ang banta ng terorismo kung saan naroon ang intensyon at may kakayahan din ang mga terorista na isagawa.
Partikular umanong binabantayan ng otoridad ang Abu Sayyaf group (ASG) na may koneksyon sa Al-Qaeda terror group ni Bin Laden.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento