Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pekeng HPG Personnel, timbog!

(Tulunan, North Cotabato/ June 26, 2015) ---Arestado ng mga otoridad sa inilatag na entrapment operations ang 26-anyos na nagpakilalang deputized enforcer ng Highway Patrol Group o HPG ng PNP sa Highway ng Tulunan, North Cotabato, alas 10:00 ng umaga nitong Miyerkules.

Kinilala ni P/SSupt. Danilo Peralta, hepe ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang nahuli na si na si Wilkens Torres Largo na sinasabing hindi lehitimong miyembro ng HPG.

Ito makaraang nangongolekta umano ng tong ang suspek sa National Highway at nakuhanan nito ang isang pulis na umaaktong truck driver na bagay namang hinuli ito.

Division Head, buo ang tiwala na suportado ng Cotabateños ang pagpapatupad ng K+12 program ng Deped

Photo: PGO Media Center
(Amas, Kidapawan City/ June 26, 2015) ---Naging matagumpay ang pagdaraos ng Provincial Senior Highschool Summit na ginanap sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City kahapon.


Ito ang inihayag ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL news.

Ang naturang summit ay dinaluhan nina North Cotabato Governor Emmylou Lala Taliño Mendoza, mga board members sa pangunguna ni BM Dulia Sultan, mga baranggay kagawad, mga PTA presidents at mga school heads mula sa ibat ibang paaralan sa lalawigan ng North Cotabato.

Provincial Disaster Risk Reduction Management Council patuloy ang pag monitor sa iba’t ibang bayan dahil sa pag-ulan

PDRRMC head Cynthia Ortega, North Cotabato
(North Cotabato/ June 26, 2015) ---Patuloy ang pag monitor ng Provincial Risk Reduction Management Council o PRRRMC sa ibat ibang bayan sa North Cotabato dahil sa pag-ulan.
Ito ang inihayag ni PDRRMC head Cynthia Ortega sa panayam ng DXVL News.

Patuloy din nilang binabantayan ang lebel ng mga ilog sa lalawigan ng North Cotabato.

Dagdag pa ni Ortega na wala pa namang naireport na umapaw na ilog.

Purok Masagana at ilang kalye sa bayan ng Kabacan binaha

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2015) ---Binaha ang Purok Masagana at ilang kalye sa Bayan ng Kabacan dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Sa panayam ng DXVL news kay Purok Masagana President Samuel Dapun inihayag nitong apektado ng pagbaha ang purok Masagana dahil sa tubig ulan.

Mga otoridad, pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho

Photo by:Ferdinand Piñol 
(Mlang, North Cotabato/ June 26, 2015) ---Muling pina-iingat ng kapulisan sa Mlang, North Cotabato ang mga motorista.
Ito matapos maiulat na apat katao ang naisugod sa pagamutan matapos namasangkot sa isang vehicular accident kahapon ng hapon.
\
Batay sa inisyal na ulat, binabaybay ng isang van ang national highway nang biglang mawala ang control ng driver sa kanyang manibela sa bahagi ng brgy. Sangat ng nabanggit na bayan.

Laborer patay sa senglot

(Kidapawan City/ June 25, 2015) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang laborer sa kamay ng lasing na suspek makaraang hambalusin nito ng kahoy ang biktima hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sitio Maangi, Brgy. Birada Kidapawan City pasado alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, city PNP Director ang biktima na si Noli Sapiano Bitoon, 40 anyos  na residente  rin ng nabanggit na lugar.

‘Flood-prone’ at ‘landslide-prone’ area sa Kidapawan city, pinaalerto na ng Call 911

(Kidapawan City/ June 25, 2015) ---Patuloy ang monitoring ng Call 911 at Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga lugar na itinuturing na ‘flood-prone’ at ‘landslide-prone’ ng lungsod.

Ayon kay Mayor Joseph Evangelista, kapag nagtuluy-tuloy ang mga pag-ulan sa susunod pang mga oras, ibababa na niya ang kautusan na puwersang paglikas o forced evacuation sa mga residente na nakatira malapit sa ilog at sa matatarik na bangin.

Mekaniko, utas ng mabangga sa roundball

(Kidapawan city/ June 25, 2015) ---Patay ang isang mekaniko matapos na aksidenteng mabangga sa roundball sa crossing Sudapin, Kidapawan City ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni PInsp. Samuel Bascon ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Jonathan Padro, 30- anyos, na taga Brgy. Lanao, Kidapawan.

Lebel ng Tubig sa South Cotabato, unti unting ng bumababa!

(South Cotabato/ June 25, 2015) ---Matapos nga ang malakas na pag-ulan kahapon sa pitong lalawigan ng South Cotabato na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang mga lalawigan, unit-unti na umanong bumababa ang lebel ng tubig ngayong araw ayon sa Provincial Risk Reduction and Management Council ng South Cotabato.

Sa Koronadal , ipinahayg ni Mayor Peter Miguel na naapektuhan ang lungsod ng malakas na pagbaha ng dahil sa magdamagang pag-ulan sa halos singkwenta porsyento ng dalawamput barangay sa lungsod.

Pagtaas ng lebel ng tubig sa ilang lugar sa North Cotabato, patuloy na minomonitor ng OCD 12

(Tulunan, North Cotabato/ June 25, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng Office of the Civil Defense Region 12 ilang mga lugar sa North Cotabato matapos maireport ang pagtaas ng tubig sa bayan ng Tulunan, North Cotabato matapos ang malakas na buhos ng ulan kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay Office of the Civil Defense Asst. Regional Director Jerome Barranco, inalerto na nila ang buong team at mga residente sa bayan matapos mamonitor ang pagtaas ng lebel ng tubig.

Boundary Dispute sa North Cotabato at Sultan Kudarat, tutuldukan na!

(North Cotabato/ June 25, 2015) ---Inaasahang matutuldukan na ang matagal ng awayan sa lupa sa hangganan ng Tulunan Sa North Cotabato at bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat Province.

Ito matapos na naglatag ng Work Plan ang Department of Agrarian Reform Region 12 upang mabigyan ng solusyon ang land dispute sa nasabing lugar.

Una na rin itong kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato kungsaan ito ang magiging batayan ng mga ito kasama na ang ilan pang sangay ng pamahalaan sa bawat

MAO nananawagan sa mga magsasaka sa bayan ng Kabacan na mag-avail ng mga libreng mga insurances sa kanilang mga sakahan

(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2015) ---Nanawagan ngayon ang MAO sa mga magsasaka sa bayan ng Kabacan na nakapagtanim o magtatanim pa lang na mag-avail ng mga insurances para sa kanilang mga pananim at pati narin sa kanilang alagang hayop.

Ayon kay Agricultural Technologist/Report Officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News, kabilang sa mga insurances na ito ay ang  Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA, na pinopundohan ng Department of Budget and Management.

21 ng mga magsasaka na naapektuhan ng drought season sa bayan ng Kabacan, nabahaginan ng cash assistance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC)

 Tessie Nidoy, Agricultural Technologist
(Kabacan, North Cotabato/ June 25, 2015) ---Abot na sa tinatayang 21 na mga magsasakang naapektuhan ng nakaraang tagtuyot sa bayan ng Kabacan ang nabahaginan ng cash assistance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Ayon kay Agricultural Technologist Report Officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News team, panghuling nakatanggap ng mga tseke kahapon ang 3 mga magsasakang nagmula sa Brgy. Bangilan, Brgy. Cuyapon at Brgy. Kilagasan.

Media Practitioner sa Tacurong City nagpasalamat at saludo sa katapatan ng ilang mga trysikel driver sa Bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2015) ---Nagpapasalamat ngayon sa mga trysikel driver sa Bayan ng Kabacan ang isang station manager ng isang estasyon ng radio sa Tacurong City matapos maisauli ang kanyang naiwang cellphone na iphone 4S unit.

Sa panayam ng DXVL news kay Benjie Caballero, Media Practitioner sa Tacurong City inihayag nito ang taos pusong pasasalamat lalo na kay Abdullah Ibad ang trysikel driver na nagsauli ng kanyang gamit.

T’boli, South Cotabato at Lupayan Sultan Kudarat, suspendido ang klase dahil sa matinding pagbaha

(South Cotabato/ June 25, 2015) ---Suspendido ang kalse sa lahat ng antas ng paaralan sa bayan ng T’boli, South Cotabato at bayan ng Lupayan, Sultan Kudarat dahil sa matinding pagbabaha sa nasabing mga bayan.

Ayon kay Region 12 Office of Civil Defense Assistant Regional Director Jerome Baranco sa panayam ng DXVL News, ito umano ang naging aksiyon ng mga LGU sa bayan dahil narin sa nararanasang pagbabaha.

1 katao sugatan sa flashflood sa bayan ng Tulunan North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ June 25, 2015) ---Nagpapagaling ngayon sa isang bahay pagamutan ang isang lalaki matapos na matangay ng malakas na tubig baha o flashflood sa Brgy. Damawato sa bayan ng Tulunan, North Cotabato alas 4:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Region 12 Office of Civil Defense Assistant Regional Director Jerome Baranco sa panayam ng DXVL News, kinilala nito ang biktima na isang Jay Argan, 24 anyos at residente ng nasabing lugar.

Diocese of Kidapawan, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ng isang pari

(North Cotabato/ June 24, 2015) ---Nakatakda ng ihahatid sa kanyang huling hantungan si Father Rogelio ‘Jake’ Nim sa Hunyo a-29, 2015 araw ng Lunes makaraang pumananaw sa edad na 53-anyos kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Diocesan Administrator Msgr. Carlito Garcia naisugod pa sa pagamutan si Father Jake matapos sumikip ang kanyand dibdib pero ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Magsasaka, itinumba!

(North Cotabato/ June 24, 2015) ---Binawian na ng buhay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa purok 3, Sito 51 brgy. Nuangan, Kidapawan City pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ang  biktima na si Rudi Diansig, may asawa, 34 anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.

Nag-iinuman ang biktima sa loob ng bahay ng kanyang bayaw ng pumunta ito ng kusina at pinagbabaril.

1 patay, mga imprastraktura nasira sa pagragasa ng baha sa South Cotabato

Photo: FB of Sharon De Ramos
(North Cotabato/ June 24, 2015) ---Isa ang naiulat na nasawi sa malawakang pagbaha sa ilang bayan sa lalawigan ng South Cotabato at Koronadal City dahil sa magdamagang pagbuhos ng ulan.

Sa ulat ni South Cotabato Information Officer Lurvie James Fruto sa DXVL News ngayong tanghali na agad na nagdeklara ng suspension of classes in all levels si Mayor Peter Miguel ng Koronadal city.

Ito matapos na hindi madaanan ang tulay sa Barangay Concepcion at Barangay Namnama ng wasakin ng rumaragasang tubig baha.
Habang isang tricycle ang nahulog sa bumigay na tulay sa Barangay Concepcion.

1 kisay 2 pa sugatan sa pagtama ng kidlat sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ June 24, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 42-anyos lalaki habang 2 pa ang sugatan makaraang matamaan ng kidlat sa Purok 5, Bagumbayan sa bayan ng Magpet lalawigan ng North Cotabato alas 2:00 kahapon ng hapon.

Sa impormasyong nakalap ng DXVL News kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engr. Dindo Porquiado kinilala nito binawian ng buhay na si Joel Oke, 42-anyos habang patuloy namang ginagamot sa bahay pagamutan sina Joy Painaga, 29 at Jimmy Sadio 49 lahat ay may asawa.

Residente ng Carmen, nalunod sa ilog!

(Carmen, North Cotabato/ June 24, 2015) ---Patuloy na pinaghahanap ngayon ng kanyang mga kamag-anak ang isang residente ng Carmen, North Cotabato makaraang malunod sa ilog sa bahagi ng Ugalingan sa nasabing bayan habang ito ay nangingisda kagabi.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga sa kanyang kamag-anak na si Fernando Dugho Jr., Cotelco Board of Director ng Carmen/Banisilan kinilala ang biktima na si Jimmy Escanilla, residente ng Purok 4, Tawan-tawan,  Poblacion, Carmen.

Pagkasunog ng isang fast-food chain sa bayan ng Kabacan, binigyang paglilinaw ng may-ari

Ronnie Jornadal & Marla Sheryl,
Owner Opong's Lechon and Pritong Manok
(Kabacan, North Cotabato/ June 23, 2015) ---Binigyang linaw ng may-ari ng Opong’s Pritong Manok ang dahilan ng pagkasunog na naturang establisyemento noong nakaraang linggo.

Ayon kay sa Ronnie Jornadal, may-ari sa eksklusibong panayam ng DXVL News team, inihayag nitong hindi niya inutusan ang isa sa kanyang empleyado na gawin ang iba pang gawain habang nagpapakulo ng mantika.

Taliwas ito sa naunang report na inutusan niya umano ang kanyang empleyado na gawin ang mag map ng sahig at tumulong sa pagslice habang pinapakuluan ang mantikang kanilang gagamitin sa pagprito ng kanilang tinitindang manok.

LGU Carmen, namamahagi ng libreng oil palm seedlings

 Eshak Tamontok, Oil Palm Technician
(North Cotabato/ June 23, 2015) ---Abot na sa 900 na ektarya ang nataniman ng mga oil palm seedlings sa bayan ng Carmen, North Cotabato mula sa Dull Out Program ng Local Government Unit.

Ayon kay Carmen Municipal of Agriculture Oil palm technician Eshak Tamontok  sa panayam ng DXVL News team, ito ay programa ng LGU Carmen sa pangunguna ni Mayor Roger Taliño na nagsimula noon pang taong 2012.

Rubber Budstick Libreng Ipinamamahagi ng OPA sa mga Magsasaka ng Goma

(Amas, Kidapawan city/ June 22, 2015) ---Bilang bahagi ng Rubber Development Program ng lalawigan ng Cotabato, nag-establish ng National Rubber Budwood Garden ang Office of the Provincial Agriculturist sa likurang bahagi ng kapitolyo sa Amas, Kidapawan City. Ang pondo para rito ay nagmula sa Department of Environment and Natural Resources na nagkakahalaga ng P2.4 M na bahagi ng National Greening Program ng pamahalaan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, layon ng proyekto na makapahagi ng libreng rubber budstick sa mga magsasaka ng goma upang maitaas ang kalidad ng mga rubber planting materials dito sa lalawigan ng Cotabato na magdudulot ng mataas na produksiyon ng latex.

Bandang Disyembre 2013 na nang matapos ang pagtatanim ng rubber clones particular ang PB260 at PB330 sa national rubber budwood garden at ini-launch naman ito noong Pebrero 2014, ito ang pahayag ni Agustino Arances, ang Provincial Rubber Coordinator ng lalawigan.

Presyo ng ilang mga rekado at isda sa Kabacan Public Market, muling tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ June 22, 2015) ---Sumipa ang presyo ng ilang mga isda sa Kabacan Public Market simula nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Rowena Tanguilig, isa sa mga tindera ng isda sa panayam ng DXVL News, ito umano ay dahil sa mahirap umanong hulihin ang mga isda dahil sa maliwanag ang buwan nitong mga nakaraang araw.

Bayan ng Kabacan isa sa 2014 passer sa good financial house keeping ng DILG

(Kabacan, North Cotabato/ June 22, 2015) ---Isa sa pumasa sa 2014 Good Financial House Keeping ng Department of Interior ang Local Government o DILG ang bayan ng Kabacan. 

Pumasa ang Kabacan sa mga criteria ng DILG tulad ng transparency, accountability, budgeting at pag iimplementa ng mga proyekto.

Sa programang Unlad Kabacan, inihayag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na transparent ang lokal na pamahalaan ng Kabacan at nagtatrabaho ang mga empleyado ng munisipyo.

Kabacan Mayor Guzman nagpalabas ng Executive Order sa Pag-obserba ng Ramadan

Mayor Herlo Guzman Jr., Live Unlad Kabacan Program
(Kabacan, North Cotabato/ June 22, 2015) ---Nagpalabas ng executive order si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa pagdiriwang ng Holy Month ng Ramadan na mas maagang pauwiin sa trabaho ang mga empleyadong Muslim.

Sa programang Unlad Kabacan, inihayag ni Mayor Guzman Jr. na ang hakbang na ito ay bilang pagkokonsidera at pagrespeto sa tradisyon ng
mga kapatid na Muslim.

Matatandaan na pormal ng nagsimula ang Holy Month of Ramdan, noon pang June 17 batay sa ginawang anunsiyo ng Darul Ifta, organization of Islamic Scholars.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Sultan sa Lanang Prof. Salik Makakena matapos ang ginawa nilang moon sighting nitong Hunyo-16, 2015.

TMU Personnel ng Kabacan, kulong matapos na matamaan ng bala ng baril nito sa accidental firing ang isang sibilyan

(Kabacan, North Cotabato/ June 22, 2015) ---Kasalukuyang naghihimas ng malamig na bakal ang isang Kabacan Traffic Management Unit o TMU personnel matapos aksidenteng tamaan ng bala ng baril nito ang isang babae noong Biyernes alas 2:45 ng hapon.

Sa panayam ng DXVL news kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, kinilala nito ang TMU personnel na si Elmer Bawas Gapayao, 35 anyos, at binata.

Nadiskubreng taniman ng Marijuana, binunot ng mga otoridad sa Matalam, North Cotabato

Photo for Illustration Only
(Matalam, North Cotabato/ June 23, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng Matalam PNP kung sino ang responsable sa pagtatanim ng mga marijuanang nadiskubre sa kagubatan at bulubunduking bahagi ng Manobo Village, Brgy. Tamped sa nasabing bayan kamakalawa.

Ayon sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, nakita umano ang nasabing plantasyon ng marijuana ng kanilang Brgy. Kapitan na kinilalang si Kapitan Zaldy Almarines at ng mga BPAT ng nasabing barangay.

Libung halaga ng cash at gamit, nalimas sa magkahiwalay na panloloob

(Kabacan, North Cotabato/ June 23, 2015) ---Wala nang nagawa ang isang lolo kundi dumulog na lamang sa Kabacan PNP matapos na pinasok ng mga di pa kilalang mga kawatan ang kanilang pamamahay sa Purok 1, Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na isang Florencio Corpuz Y Quirino, 61 anyos, may asawa, isang magsasaka, at resident eng nasabing lugar.

Ayon sa report, natuklasan nalang umano ng biktima na napasok na mga kawatan ang kanilang masters bedroom pag-uwi nila mula sa pagsisimba.

Provincial government employee, arestado sa drug buy bust operation sa Mlang, Cotabato

(North Cotabato/ June 23, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang sinasabing nasa watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang kawani ng gobyerno makaraang mahuli sa inilatag na drug buy bust operation sa Purok 8, Brgy. Langkong, Mlang, North Cotabato alas 11:00 kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay P/Insp. Bernard Abarquiz ang Decop ng Mlang PNP kinilala nito ang suspek na si Hermar Pricion Talamor, 35-anyos, may asawa, provincial government employee at residente ng Purok 2, Sangat sa bayan ng Mlang.

Harvest Festival ng Tilapia, isinagawa sa North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 23, 2015) ---Bilang culmination activity ng Adopt a Fish Farmer project ng Pamahalaang Panlalawigan, ginanap kamakailan (June 18, 2015) ang harvest festival ng tilapia fish cage project sa Kibudoc, Matalam sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist Fisheries Division at sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Agriculturist ng Matalam. 

Ang tilapia fish cage project na ito ay proyek to ni Joven Guarizo na isang recipient ng Adopt a Fish farmer project ng OPA na napagkalooban ng libreng fish feeds at tilapia fingerlings.

2 sundalo, pinabulagta ng BIFF

(Maguindanao/ June 23, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa dalawang kasapi ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas makaraang pagbabarilin sa may bisinidad ng Shariff Aguak, Maguindanao alas 3:45 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ngayong umaga kay Philippine Army 6th Infantry Division Public Affairs Officer Captain Joan Petinglay na galing sa pamilihang bayan ng lugar ang mga biktimang sina Private Milvert Nebrida at Private Edmund Antipuesto na kasapi ng 34th Infantry Battalion na buhat sa Visayas Region ng pagbabarilin ng mga suspek.