Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga otoridad, pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho

Photo by:Ferdinand Piñol 
(Mlang, North Cotabato/ June 26, 2015) ---Muling pina-iingat ng kapulisan sa Mlang, North Cotabato ang mga motorista.
Ito matapos maiulat na apat katao ang naisugod sa pagamutan matapos namasangkot sa isang vehicular accident kahapon ng hapon.
\
Batay sa inisyal na ulat, binabaybay ng isang van ang national highway nang biglang mawala ang control ng driver sa kanyang manibela sa bahagi ng brgy. Sangat ng nabanggit na bayan.

Sinabi ni Mlang Administrator Ferdinand Piñol na agad na dumiretso ang mga ito sa isang puno ng mahogany na nagresulta naman upang bumaligtad at nahulog sa mismong sakahan malapit sa Sangat Elementary School.

Agad na nagresponde ang Mlang Rescue team upang maalis sa sasakyan ang mga biktima at agad na dinala sa isang pagamutan sa nabanggit pa ring bayan.

Sa ngayon nasa ligtas ng kaligayan ang mga biktima, ayon sa opisyal.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento