(North Cotabato/ June 23, 2015) ---Bumagsak
sa kamay ng mga otoridad ang sinasabing nasa watch list ng Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA ang isang kawani ng gobyerno makaraang mahuli sa
inilatag na drug buy bust operation sa Purok 8, Brgy. Langkong, Mlang, North
Cotabato alas 11:00 kahapon ng umaga.
Sa panayam ng DXVL News kay P/Insp. Bernard
Abarquiz ang Decop ng Mlang PNP kinilala nito ang suspek na si Hermar Pricion
Talamor, 35-anyos, may asawa, provincial government employee at residente ng
Purok 2, Sangat sa bayan ng Mlang.
Nakuha kay Talamor ang isang small
heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may market
value na P500.00 matapos na isinagawa ang operation ng pinagsanib na pwersa ng
PDEA at ng Malang PNP sa pangunguna ni PSI Jenahmeel Toñacao.
Maliban dito, nakuha din sa u-box ng
kanyang motorsiklo Honda XRM ang dalawang sachet ng shabu na nakasilid sa isang sanitary balm.
Ang mga narekober na shabu ay dinala na
sa Provincial Crime Laboratory Field Office para sa pagsisiyasat.
Habang nasa kustodiya naman ng
pulisya ang suspek at inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento