Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lebel ng Tubig sa South Cotabato, unti unting ng bumababa!

(South Cotabato/ June 25, 2015) ---Matapos nga ang malakas na pag-ulan kahapon sa pitong lalawigan ng South Cotabato na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang mga lalawigan, unit-unti na umanong bumababa ang lebel ng tubig ngayong araw ayon sa Provincial Risk Reduction and Management Council ng South Cotabato.

Sa Koronadal , ipinahayg ni Mayor Peter Miguel na naapektuhan ang lungsod ng malakas na pagbaha ng dahil sa magdamagang pag-ulan sa halos singkwenta porsyento ng dalawamput barangay sa lungsod.

Isolated pa rin ang barangay Namnama matapos masira ang tulay na naguugnay sa mga ito sa poblacion area. Sa Brgy. Concepcion naman, madaraanan na ngunit limitado lamang ang mga sasakyang maaring makadaan ditto matapos ring bumigay ang ilang bahagi ng tulay nito na nagdulot ng pagkakahulog ng isang tricycle driver na kasalukuyan ng ginagamot ngayon sa South COtabato provincial Hospital.

Sa ngayon ilang mga bahay sa Barangay Esperanza na malapit sa pangpang ng Marbel River ang natangay din ng tubig baha.

Kasalukuyan na ring hinahanda ng nasabing lungsod ang pagdedeklara ng State of Calamity.

Sa bayan naman ng banga, nasira rin ang Dike sa Brgy. Improgo at 160 hektryang mga palayan naman ang nasira sa Purok Mahirup, brgy. Malaya, Banga.

Abot naman sa 160 pamilya ang lumikas mula sa dalawang mga barangay ng Banga.

Sa Tantangan,South Cotabato naman, bumisita si Mayor Benjamin Figueroa sa mga  biktima sa Lower Greenfield,Brgy.Cabuling. Ayon sa kanila, kontrolado na rin sa ngayon ang sitwasyon sa naturang bayan.

Anim na mga barangay din ang binaha sa bayan ng Norala, South Cotabato.

Ayon naman kay Tupi Mayor Reynaldo Tamayo ,kumpirmado ding tatlo katao ang nasawi matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay sa Barangay Bunao, at Lunen sa bayan ng Tupi.

Sila ay kinilalang sina Nonoy Ga, 74, at Molina Ga, 71, mga residente ng Purok Tinago, Sitio Aksaon, Bonao, Tupi, South Cotabato na natabunan ng lupa matapos na mangyari ang landslide sa nabaggit na lugar.

Ang isa pang namatay sa bahagi naman ng Sitio Lamflawan, Barangay Lunen ay kinilalang si Dirong Tamarang, 70, samantalang ang mga sugatan ay sina Mercy Magbanua,27, at Catherine Joy Magbanua, 1 yr old.

Inihayag din ng alkalde na nakikipag tulungan ngayon sa lokal na pamahalaan ang ilang mga pribadong kompanya, at militar para tumulong sa mga mamamayan ng pitong mga barangay na apektado din ng tubig baha sa Tupi.

Suspindido din ang klase sa lahat ng antas sa bayan.


Kasalukuyan ngang nagkakaroon ng Advisory Meeting ang probinsiya sa pamumuno ng PDRRMC nito at kasalukuyan parin nagpapatuloy ang assessment ng mga otoridad sa kabuuang danyos at sira sa buong probinsiya ng South COtabato. Lurvie James Fruto | South Cotabato

0 comments:

Mag-post ng isang Komento