Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Residente ng Carmen, nalunod sa ilog!

(Carmen, North Cotabato/ June 24, 2015) ---Patuloy na pinaghahanap ngayon ng kanyang mga kamag-anak ang isang residente ng Carmen, North Cotabato makaraang malunod sa ilog sa bahagi ng Ugalingan sa nasabing bayan habang ito ay nangingisda kagabi.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga sa kanyang kamag-anak na si Fernando Dugho Jr., Cotelco Board of Director ng Carmen/Banisilan kinilala ang biktima na si Jimmy Escanilla, residente ng Purok 4, Tawan-tawan,  Poblacion, Carmen.


Bandang alas 7:00 kagabi pagkatapos ng hapunan ay nangisda ang biktima kasama ang kanyang pamangkin.

Habang nangingisda ay sumabit ang kanilang lambat na ginagamit dahilan para kanya itong sisirin.

Nang kanya na itong makuha ay doon tinamaan ng pulikat ang 50-anyos na si Escanilla hanggang na nalunod na ito.

Agad namang nagsagawa ng rescue ang kanyang mga kamag-anak pero di na ito nakita kagabi. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento