Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Kabacan isa sa 2014 passer sa good financial house keeping ng DILG

(Kabacan, North Cotabato/ June 22, 2015) ---Isa sa pumasa sa 2014 Good Financial House Keeping ng Department of Interior ang Local Government o DILG ang bayan ng Kabacan. 

Pumasa ang Kabacan sa mga criteria ng DILG tulad ng transparency, accountability, budgeting at pag iimplementa ng mga proyekto.

Sa programang Unlad Kabacan, inihayag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na transparent ang lokal na pamahalaan ng Kabacan at nagtatrabaho ang mga empleyado ng munisipyo.


Nagpasalamat din si Mayor Guzman Jr. sa mga empleyado at sa mga mamamayan ng Kabacan. Dagdag pa ng alkalde na pumasa din ang Kabacan sa isa pang parangal.

Dagdag pa ni Mayor Guzman na sa mga parangal umano na natanggap ay dapat mas ganahan na magtrabaho ang mga empleyado. Nakatanggap umano ng isang milyong premyo na proyekto ang LGU Kabacan. Iminungkahi ng opisyal na sa farm to market road o FMR sa Sitio San Rogue ng Dagupan papuntang Brgy. Sanggadong. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento