(Tulunan, North Cotabato/ June 25, 2015) ---Patuloy
ngayon ang ginagawang monitoring ng Office of the Civil Defense Region 12 ilang
mga lugar sa North Cotabato matapos maireport ang pagtaas ng tubig sa bayan ng Tulunan,
North Cotabato matapos ang malakas na buhos ng ulan kahapon.
Sa panayam ng DXVL News kay Office of the
Civil Defense Asst. Regional Director Jerome Barranco, inalerto na nila ang
buong team at mga residente sa bayan matapos mamonitor ang pagtaas ng lebel ng
tubig.
Kabilang sa kanilang tinututukan ngayon ang
apat na barangay ng Tulunan ang Minapan, Damawato, Bacung at brgy. Dalidan.
Sinabi na Barranco na isang 24 anyos na si
Jay Argal ang sugatan matapos na matangay ng malakas na agos ng tubig sa
Damawato River.
Nabatid na sinubukang kunin ni Jay ang isang
kahoy pero dahil sa lakas ng tubig at nadala ito.
Batay sa report wala namang may nangyaring
paglikas ng mga residente pero pinaalalahanan naman nila ang mga ito na
manatiling alerto mula sa mga di inaasahang pangyayari. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento