(North Cotabato/ June 25, 2015) ---Inaasahang
matutuldukan na ang matagal ng awayan sa lupa sa hangganan ng Tulunan Sa North
Cotabato at bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat Province.
Ito matapos na naglatag ng Work Plan ang
Department of Agrarian Reform Region 12
upang mabigyan ng solusyon ang land dispute sa nasabing lugar.
Una na rin itong kinilala ng Sangguniang
Panlalawigan ng North Cotabato kungsaan ito ang magiging batayan ng mga ito
kasama na ang ilan pang sangay ng pamahalaan sa bawat
plano at hakbang na
kanilang gagawin para sa kaayusan ng double issuance sa Certificate of Land
Ownership titles sa mahigit 50 mga lote. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento