(Tulunan, North Cotabato/ June 26, 2015)
---Arestado ng mga otoridad sa inilatag na entrapment operations ang 26-anyos na
nagpakilalang deputized enforcer ng Highway Patrol Group o HPG ng PNP sa Highway
ng Tulunan, North Cotabato, alas 10:00 ng umaga nitong Miyerkules.
Kinilala ni P/SSupt. Danilo Peralta, hepe ng
Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang nahuli na si na si Wilkens Torres
Largo na sinasabing hindi lehitimong miyembro ng HPG.
Ito makaraang nangongolekta umano ng tong
ang suspek sa National Highway at nakuhanan nito ang isang pulis na umaaktong
truck driver na bagay namang hinuli ito.
Pahayag naman ni Torres na siya raw ay
pinasuot lamang ng kulay asul na polo shirt na may tatak HPG. Naka-maong na pantalon at mahaba ang buhok
nito kaya imposible na ito ay isang pulis.
Ginamit ngayon na ebidensiya ng CPPO ang
marked money sa kasong kriminal na isasampa kontra kay Torres.
Ayon sa report, matagal nang ginagawa ng HPG
ang pangongotong sa highway sa Tulunan at iba pang bahagi ng North Cotabato.
Ang headquarters ng naturang HPG ay sa Kidapawan
City, ayon pa sa report.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento