Ronnie Jornadal & Marla Sheryl, Owner Opong's Lechon and Pritong Manok |
Ayon kay sa Ronnie Jornadal, may-ari sa eksklusibong panayam ng DXVL
News team, inihayag nitong hindi niya inutusan ang isa sa kanyang empleyado na
gawin ang iba pang gawain habang nagpapakulo ng mantika.
Taliwas ito sa naunang report na inutusan
niya umano ang kanyang empleyado na gawin ang mag map ng sahig at tumulong sa
pagslice habang pinapakuluan ang mantikang kanilang gagamitin sa pagprito ng
kanilang tinitindang manok.
Jonathan Selarta |
Anya, kusa umanong ang kaniyang
empleyado ang gumagawa ng trabahong hindi inaatas sa kanya na sa katunayan ay
ang pagpapakulo lang naman umano ng mantika ang kanyang inaatas na trabaho
rito.
Sa hiwalay naman ng panayam sa
nasabing nakasunog na si Jonathan Selarta hindi umano siya inutusan ng kanyang
amo na maglinis ng sahig o mag-map at tumulong sa pag-slice ngmga manok.
Bagkus, kagustuhan niya umano ito
upang ipakita ang kanyang amo ang kanyang pagbabago sa kanyang pag-tatrabaho
dahil na rin sa kanyang mga pagkakamali na nagawa bago paman ang insidente.
Ayon kay Marla Sheryl Jornadal, may
bahay ng May-ari, pinag-iisipan pa nila kung sasampahan nila ng kaso ang
nasabing empleyado sapagkat malakilaki rin umano ang nawalang halaga sa kanila
at nagdulot din ito ng trauma sa kanilang anak.
Laking pasasalamat naman ng pamilya
at walang nasaktan o nasugatan sa nasabing insidente. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento