Tessie Nidoy, Agricultural Technologist |
(Kabacan, North Cotabato/ June 25,
2015) ---Abot na sa tinatayang 21 na mga magsasakang naapektuhan ng nakaraang
tagtuyot sa bayan ng Kabacan ang nabahaginan ng cash assistance mula sa Philippine
Crop Insurance Corporation (PCIC).
Ayon kay Agricultural Technologist Report Officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News team, panghuling
nakatanggap ng mga tseke kahapon ang 3 mga magsasakang nagmula sa Brgy.
Bangilan, Brgy. Cuyapon at Brgy. Kilagasan.
Nasa tinatayang P200,000 na na halaga
ang kanilang naipamahagi sa mga magsasaka sa bayan dagdag pa ng opisyal.
Layon umano ng nasabing programa ay
upang matulungang makapagtanim at makapagsimulang muli ang mga magsasakang
naapektuhan ng drought season nitong mga nakaraang buwan dito sa bayan.
Ang Kabacan ang unang bayan sa
probinsya ng North Cotabato na nagdeklara ng State of Calamity bunga ng
epektong idinulot ng tagtuyot noong kasagsagan ng buwan ng Pebrero hanggang Abril
ngayong taong kasalukuyan. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento