(Kabacan, North Cotabato/ June 24,
2015) ---Nanawagan ngayon ang MAO sa mga magsasaka sa bayan ng Kabacan na
nakapagtanim o magtatanim pa lang na mag-avail ng mga insurances para sa
kanilang mga pananim at pati narin sa kanilang alagang hayop.
Ayon kay Agricultural Technologist/Report
Officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News, kabilang sa mga insurances na ito
ay ang Registry System for Basic Sectors
in Agriculture o RSBSA, na pinopundohan ng Department of Budget and Management.
Anya, saklaw umano ng nasabing
insurance ang mga pinsalang dulot ng mga peste at mga sakit sa kanilang mga
pananim.
Liban pa rito meron ding
insurance para sa Weather Adverse Rice
Areas o WARA na pinopundohan naman ng Department of Agriculture para sa mga
Flood at Drought Prawn Areas.
Meron rin insurance sa mga
magsasakang nag-aalaga ng hayop, kagaya ng baboy, kambing at iba pa.
Kailangan lamang umanong dalhin ng
mga ito ang mga credentials ng nasabing hayop na magpapatunay na sila ang
may-ari nito.
Inihayag din ng opisyal na lahat
umano ng mga insurances na ito mula sa Department of Budget and Management at
Department of Agriculture ay libre at walang babayaran.
Sa mga karagdagang impormasyon at
gustong maka-avail sa nasabing programa ay tunguhin lamang ang mga Agricultural
Extension Workers na naka-assign sa inyong mga barangay o di kaya ay magtungo
sa Municipal Agriculturist Office sa Kabacan Municipal Compound at dalhin ang
photocopy ng inyong isang valid ID. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento