Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Mayor Guzman nagpalabas ng Executive Order sa Pag-obserba ng Ramadan

Mayor Herlo Guzman Jr., Live Unlad Kabacan Program
(Kabacan, North Cotabato/ June 22, 2015) ---Nagpalabas ng executive order si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa pagdiriwang ng Holy Month ng Ramadan na mas maagang pauwiin sa trabaho ang mga empleyadong Muslim.

Sa programang Unlad Kabacan, inihayag ni Mayor Guzman Jr. na ang hakbang na ito ay bilang pagkokonsidera at pagrespeto sa tradisyon ng
mga kapatid na Muslim.

Matatandaan na pormal ng nagsimula ang Holy Month of Ramdan, noon pang June 17 batay sa ginawang anunsiyo ng Darul Ifta, organization of Islamic Scholars.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Sultan sa Lanang Prof. Salik Makakena matapos ang ginawa nilang moon sighting nitong Hunyo-16, 2015.


Paliwanag ni Makakena na dahil sa hindi nakita ang buwan, Martes ng gabi kaya ngayong araw na ang opisyal na pagsisimula ng pag-obserba ng banal na buwan.

Nagsimula na rin kagabi ang pagsambayang o ang pananambahan at ‘kanduli’ sa iba’t-ibang mga mosque na tinawag na ‘tarawi’.


Ang panahon ng Ramadan ay dito ibinigay ang banal na kasulatan na Qur-an. Christine Limos/ Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento