(Amas, Kidapawan city/ June 22, 2015)
---Bilang bahagi ng Rubber Development Program ng lalawigan ng Cotabato,
nag-establish ng National Rubber Budwood Garden ang Office of the Provincial
Agriculturist sa likurang bahagi ng kapitolyo sa Amas, Kidapawan City. Ang
pondo para rito ay nagmula sa Department of Environment and Natural Resources
na nagkakahalaga ng P2.4 M na bahagi ng National Greening Program ng
pamahalaan.
Ayon kay Provincial Agriculturist
Eliseo Mangliwan, layon ng proyekto na makapahagi ng libreng rubber budstick sa
mga magsasaka ng goma upang maitaas ang kalidad ng mga rubber planting
materials dito sa lalawigan ng Cotabato na magdudulot ng mataas na produksiyon
ng latex.
Bandang Disyembre 2013 na nang
matapos ang pagtatanim ng rubber clones particular ang PB260 at PB330 sa national
rubber budwood garden at ini-launch naman ito noong Pebrero 2014, ito ang
pahayag ni Agustino Arances, ang Provincial Rubber Coordinator ng lalawigan.
Sa kasalukuyan, namamahagi na nang
libreng rubber budstick ang OPA mula sa budwood garden. Para sa mga magsasakang
nais mag-avail ng libreng rubber budstick para sa kanilang mga nursery at
taniman ng rubber, mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa OPA Crops Division
para mapagbigyan ang inyong request.
Ang pamamahagi ng libreng rubber
budstick ay bahagi ng Serbisyong Totoo program ni Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza upang tumaas ang produksiyon ng latex dito sa lalawigan at
matulungan na maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka ng goma sa probinsya.
Written by: RUEL L. VILLANUEVA
0 comments:
Mag-post ng isang Komento