(Kabacan, North Cotabato/ June 22,
2015) ---Sumipa ang presyo ng ilang mga isda sa Kabacan Public Market simula
nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Rowena Tanguilig, isa sa mga
tindera ng isda sa panayam ng DXVL News, ito umano ay dahil sa mahirap umanong
hulihin ang mga isda dahil sa maliwanag ang buwan nitong mga nakaraang araw.
Ang dating presyo ng isda na
pirit na P90/kg-P120/kg, budboron
P100/kg-P120/kg, galonggong P100/kg-P120/kg, ang barilison na dati naglalaro
ang presyo sa P110/kg hanggang P120/kg, ngayon ay P130/kilo na.
Ang isdang bangus naman ay hindi
nagbago sa dati nitong presyo na mabibili ang malilit sa P110/kg at malalaki na
mabibili naman sa P120/kg.
Samantala bukod naman sa mga isda ay
tumaas rin ng presyo ang sibuyas sa Kabacan Public Market.
Ayon naman kay ang sibuyas na dati’y
naglalaro sa P65-P70/kilo, ngayon ay P80/kilo na.
Wala naman naitalang pagtaas at
pagbaba ng presyo sa iba pang mga rekado.
Wala ring naitalang paggalaw ng
presyo ang mga karne ng baboy, baka at manok. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento