Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Media Practitioner sa Tacurong City nagpasalamat at saludo sa katapatan ng ilang mga trysikel driver sa Bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2015) ---Nagpapasalamat ngayon sa mga trysikel driver sa Bayan ng Kabacan ang isang station manager ng isang estasyon ng radio sa Tacurong City matapos maisauli ang kanyang naiwang cellphone na iphone 4S unit.

Sa panayam ng DXVL news kay Benjie Caballero, Media Practitioner sa Tacurong City inihayag nito ang taos pusong pasasalamat lalo na kay Abdullah Ibad ang trysikel driver na nagsauli ng kanyang gamit.


Aniya, 3 oras umano siyang naghanap ng kanyang cellphone mabuti na lamang umano ay nakuha niya ang contact number ng naturang driver.

Nagpasalamat din si Caballero sa lokal na pamahalaang ng Kabacan sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. at nanawagan na sana’y bigyan ng parangal ang mga matapat na trysikel driver na tulad ni Ibad.

Inihayag din ni Caballero na ang naturang driver ay nagrerenta lamang ng trysikel 120 pesos bawat araw, isang single parent, may anak na maliit at naghihikaos sa pamumuhay.

Dagdag pa niya na sana’y tularan ang mga tapat na mamamayan ng Kabacan. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento