Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Purok Masagana at ilang kalye sa bayan ng Kabacan binaha

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2015) ---Binaha ang Purok Masagana at ilang kalye sa Bayan ng Kabacan dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Sa panayam ng DXVL news kay Purok Masagana President Samuel Dapun inihayag nitong apektado ng pagbaha ang purok Masagana dahil sa tubig ulan.

Aniya, umapaw ang kanal dahil sa pag ulan at sa pagbara ng mga basura sa mga kanal.

Ang purok Masagana umano ang tagbuhan ng mga tubig ulan dahil walang exit o daluyan ang tubig mula sa ibang kalye.

Nililinis at tinatanggal na lamang nila umano ang bumabara na basura sa mga kanal upang di lumala ang baha sa kanilang lugar. 

Nanawagan si Dapun sa LGU Kabacan na sana’y solusyunan at ayusin na ang problema sa pagbaha sa kanilang purok. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento