Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Carmen, namamahagi ng libreng oil palm seedlings

 Eshak Tamontok, Oil Palm Technician
(North Cotabato/ June 23, 2015) ---Abot na sa 900 na ektarya ang nataniman ng mga oil palm seedlings sa bayan ng Carmen, North Cotabato mula sa Dull Out Program ng Local Government Unit.

Ayon kay Carmen Municipal of Agriculture Oil palm technician Eshak Tamontok  sa panayam ng DXVL News team, ito ay programa ng LGU Carmen sa pangunguna ni Mayor Roger Taliño na nagsimula noon pang taong 2012.


Anya, maari kang maka-avail sa nasabing programa kung ikaw ay lihitimong residente ng bayan at nagmamay-ari ka ng 1 hanggang 2 ektaryang lupain.

Sa mga nagnanais na maka-avail sa nasabing programa, ay pumunta lamang sa Municipal Agriculture Office at hanapin ang mga Oil Palm Technicians na sina Eshak Tamontok, at Rosalia Atendido at dalhin ang mga sumusunod.
1.    Cedula
2.    Voters ID
3.    Titulo ng lupa
Kung hindi nakapangalan sa kanila ang lupa ay dalhin lamang ang mga sumusunod na papeles.
1.    Dead of Seal
2.    Special Power of Attorney
Mark Anthony Pispis/ Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento