(Matalam, North Cotabato/ June 23, 2015) ---Bilang
culmination activity ng Adopt a Fish Farmer project ng Pamahalaang
Panlalawigan, ginanap kamakailan (June 18, 2015) ang harvest festival ng
tilapia fish cage project sa Kibudoc, Matalam sa pangunguna ng Office of the
Provincial Agriculturist Fisheries Division at sa pakikipagtulungan ng Office
of the Municipal Agriculturist ng Matalam.
Ang tilapia fish cage project na ito
ay proyek to ni Joven Guarizo na isang recipient ng Adopt a Fish farmer project
ng OPA na napagkalooban ng libreng fish feeds at tilapia fingerlings.
Ayon
kay Ernesto Petros, ang Chief ng OPA Fisheries Division, may kabuuang 292
kilograms ang paunang naharvest na tilapia sa isang ektaryang fish cage project.
Ang natitirang fish cages ay nakatakdang iharvest sa pagdating ng Kalivungan
Festival ng lalawigan sa huling linggo ng Agosto 2015. Ang harvest festival ay
dinaluhan ng 35 spectators mula sa Kibudoc, Matalam at Kabacan na namili ng
naharvest na tilapia.
Pahayag
naman ni Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, ang harvest festival ay
naglalayong ishowcase ang mga tilapyang naharvest upang ibenta at patikman sa
mga mamimili. Batay naman sa datos ng return on investment na nacompute ay
profitable ang tilapia fish cage project at patunay ito na matagumpay ang
proyekto ng Provincial Government.
Kaakibat
ng libreng fish feeds at tilapia fingerlings na naibigay sa recipient ay
napagkalooban din kumpletong technical assistance tungkol sa freshwater aquaculture
ang beneficiary upang lumaki ng malusog ang mga alagaing isda, dagdag na
pahayag ng opisyal.
Ang
Adopt a Fish Farmer Project ay isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa
ilalim ng Serbisyong Totoo program ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.
Written by: RUEL L. VILLANUEVA
0 comments:
Mag-post ng isang Komento