Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

TMU Personnel ng Kabacan, kulong matapos na matamaan ng bala ng baril nito sa accidental firing ang isang sibilyan

(Kabacan, North Cotabato/ June 22, 2015) ---Kasalukuyang naghihimas ng malamig na bakal ang isang Kabacan Traffic Management Unit o TMU personnel matapos aksidenteng tamaan ng bala ng baril nito ang isang babae noong Biyernes alas 2:45 ng hapon.

Sa panayam ng DXVL news kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, kinilala nito ang TMU personnel na si Elmer Bawas Gapayao, 35 anyos, at binata.


Kinilala naman ang biktimang binawian ng buhay na si Jocel L. Batucan 25 anyos, may asawa, empleyado ng Aljons Minute Burgers at residente ng Brgy. Lower Paatan, Kabacan, Cotabato.

Sinabi ni PSI Cordero nagsasagawa ng Municipal Ordinance ang mga TMU personnel nang makahuli ng mga motorista na may open pipe na tambotso ang mga motorsiklo.

Nang hingan ng TMU personnel ng kaukulang dokumento, bigong maka-presinta ang mga ito bagay namang dinala sa himpilan ng pulisya ang kanilang mga sasakyan.

Pagkatapos ng operation ng TMU ay bumalik umano ang pitong mga kalalakihan at binugbog at pinukpok ng bakal sa ulo si Gapayao.

Tumama umano sa semento ang bala ng baril at aksidenteng tumama sa empleyado ng Aljons Minute Burger.

Naisugod pa sa Kabacan Medical Specialist ang biktima ngunit ideneklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nahuli naman ng kapulisan ang isang suspek na nambugbog at kinilalang si Sukarno Balah Kadatuan, 43 anyos, may asawa, magsasaka  at residente ng
Brgy. Limbalod sa bayan ng Carmen.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang bala ng caliber 9 mm pistol at nakumpiska naman ang baril na may model no. 2139X19mm at may serial no.817611 na may magasin at naglalaman ng 6 na bala ng caliber 9mm.

Samantala, inihayag din ni PSI Cordero na hindi otorisadong magdala ng baril ang mga TMU personnel.

Kaugnay nito, muling nagpa alala ang Kabacan PNP sa mga mamamayan at mga motorista na bumabyahe na magdala ng kumpletong dokumento upang di maabala.

Ito ang sinabi ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL news.

Nagpa alala din ang opisyal sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko upang maiwasan ng maulit ang insidente ng aksidenteng pagkamatay ng empleyado ng Aljons Minute Burger. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento