Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 kisay 2 pa sugatan sa pagtama ng kidlat sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ June 24, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 42-anyos lalaki habang 2 pa ang sugatan makaraang matamaan ng kidlat sa Purok 5, Bagumbayan sa bayan ng Magpet lalawigan ng North Cotabato alas 2:00 kahapon ng hapon.

Sa impormasyong nakalap ng DXVL News kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engr. Dindo Porquiado kinilala nito binawian ng buhay na si Joel Oke, 42-anyos habang patuloy namang ginagamot sa bahay pagamutan sina Joy Painaga, 29 at Jimmy Sadio 49 lahat ay may asawa.

Samantala malubha naman ang kalagayan Painaga matapos lumabas ang maraming dugo sa kanyang ilong at tenga dulot ng malakas na tama ng kidlat sa kanyang katawan.

Hindi na rin dinala sa pagamutan ang isa pang nasugatan na anak ng nasawing biktima na si Jonel Oki, 11 taong gulang dahil sa hindi naman matindi ang sugat niyang tinamo.
Nakaranas naman ng pagkabingi ang dalawang iba pa dahil rin sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama sa kanila.

Una rito, pasado alas dos ng hapon noong lunes, anim na mga magsasaka ang nooy nakisilong sa isang maliit na bahay sa brgy. Bagumbayan dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Nabatid na nagtatranaho ang mga ito sa isang malawak na sagingan na pagmamay-ari ni Jimmy Sadio na naroon din sa lugar ng mangyari ang insidente.


Samantala, iginiit naman ni Brgy. Bagumbayan Chairperson Joel Ogario na bibigyan nila ng tulong pinansyal ang pamilya ni Joel Oki, na nasawi matapos tamaan ng kidlat sa sa kanilang lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento