Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libung halaga ng cash at gamit, nalimas sa magkahiwalay na panloloob

(Kabacan, North Cotabato/ June 23, 2015) ---Wala nang nagawa ang isang lolo kundi dumulog na lamang sa Kabacan PNP matapos na pinasok ng mga di pa kilalang mga kawatan ang kanilang pamamahay sa Purok 1, Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na isang Florencio Corpuz Y Quirino, 61 anyos, may asawa, isang magsasaka, at resident eng nasabing lugar.

Ayon sa report, natuklasan nalang umano ng biktima na napasok na mga kawatan ang kanilang masters bedroom pag-uwi nila mula sa pagsisimba.


Sinira umano ng mga kawatan ang porsyon na bintana sa nasabing silid.

Natangay umano ng mga suspek ang P5,000 halaga ng pera.

Nagpapaalala naman ang Kabacan PNP sa pangunguna ni PSI Ronnie Cordero na huwag magkompiyansa at siguradohing nakakandado ng mabuti ang kanilang mga kabahayan kung ito ay kanilang iiwan lalong lalo na kapag araw ng linggo na panahon ng pagsisimba.

Samantala, maliban sa Kabacan muli ring umatake ang mga magnanakaw sa Kidapawan City.

Ito matapos humingi ng saklolo ang isang Media practitioner sa Kidapawan City PNP matapos pasukin ng mga magnanakaw ang kanyang bahay sa Lower Manongol, Kidapawan madaling araw noong sabado.

Sa salaysay ng biktima na si Carlo Agamon sa mga pulis natangay ng mga magnanakaw ang kanyang isang unit ng laptop na nagkakahalaga ng halos 35 thousand pesos, dalawang cellphone na nasa pitong libong piso, relo na nagkakahalaga ng 18 thousand pesos at sampung libong cash money.

Patuloy na ngayong inaalam ng mga otoridad kung sino o anong grupo ang responsable sa sunod sunod na pangloloob ng bahay ng mga magnanakaw sa Kidapawan City. Mark Anthony Pispis



0 comments:

Mag-post ng isang Komento