Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nadiskubreng taniman ng Marijuana, binunot ng mga otoridad sa Matalam, North Cotabato

Photo for Illustration Only
(Matalam, North Cotabato/ June 23, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng Matalam PNP kung sino ang responsable sa pagtatanim ng mga marijuanang nadiskubre sa kagubatan at bulubunduking bahagi ng Manobo Village, Brgy. Tamped sa nasabing bayan kamakalawa.

Ayon sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, nakita umano ang nasabing plantasyon ng marijuana ng kanilang Brgy. Kapitan na kinilalang si Kapitan Zaldy Almarines at ng mga BPAT ng nasabing barangay.


Agad umanong binunot ng mga ito ang nasabing mga tanim pagkarapos nila itong madiskubre at itinurn-over sa otoridad.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng Matalam PNP ang nasabing mga Marijuana. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento