Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 katao sugatan sa flashflood sa bayan ng Tulunan North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ June 25, 2015) ---Nagpapagaling ngayon sa isang bahay pagamutan ang isang lalaki matapos na matangay ng malakas na tubig baha o flashflood sa Brgy. Damawato sa bayan ng Tulunan, North Cotabato alas 4:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Region 12 Office of Civil Defense Assistant Regional Director Jerome Baranco sa panayam ng DXVL News, kinilala nito ang biktima na isang Jay Argan, 24 anyos at residente ng nasabing lugar.


Nagtamo umano ng sugat ang biktima matapos itong matangay ng malakas na daloy ng tubig o flashflood sa naasabing lugar na agad namang sinaklolohan ng rescue team dagdag pa ng opisyal.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan ang biktima upang mabigyan ng medical na atensiyon.

Inahayag din ng opisyal na sa kanilang kasalukuyang hawak na datus ay bukod sa Damawatu ay meroon pang 3 mga barangay mula sa bayan ang naapektuhan ng flashflood.

Ito ay ang mga barangay ng Minapan, Galitan at Bakung. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento