Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Provincial Disaster Risk Reduction Management Council patuloy ang pag monitor sa iba’t ibang bayan dahil sa pag-ulan

PDRRMC head Cynthia Ortega, North Cotabato
(North Cotabato/ June 26, 2015) ---Patuloy ang pag monitor ng Provincial Risk Reduction Management Council o PRRRMC sa ibat ibang bayan sa North Cotabato dahil sa pag-ulan.
Ito ang inihayag ni PDRRMC head Cynthia Ortega sa panayam ng DXVL News.

Patuloy din nilang binabantayan ang lebel ng mga ilog sa lalawigan ng North Cotabato.

Dagdag pa ni Ortega na wala pa namang naireport na umapaw na ilog.

Nagpaalala din si Ortega sa mga mamamayan na nakatira sa tabing ilog na magbantay upang makalikas kaagad sa ligtas na lugar kung sakaling umapaw ang ilog.

Samantala, apat na baranggay umano sa Tulunan ang apektado ng pagbaha at mga palayan ngunit di naman masyadong naapektuhan ang kanilang pananim.


Ipinaliwanag din ng kawani na nagpapadala sila ng advisories at command sa mga LGU para maging handa sa panahon ng kalamidad. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento