Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

‘Flood-prone’ at ‘landslide-prone’ area sa Kidapawan city, pinaalerto na ng Call 911

(Kidapawan City/ June 25, 2015) ---Patuloy ang monitoring ng Call 911 at Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga lugar na itinuturing na ‘flood-prone’ at ‘landslide-prone’ ng lungsod.

Ayon kay Mayor Joseph Evangelista, kapag nagtuluy-tuloy ang mga pag-ulan sa susunod pang mga oras, ibababa na niya ang kautusan na puwersang paglikas o forced evacuation sa mga residente na nakatira malapit sa ilog at sa matatarik na bangin.


Sinabi ng alkalde na naka-standy umano ang kanyang search and rescue team, mga volunteers at staff ng Call 911.

Kabilang sa mga lugar na patuloy nilang binabantayan  ay ang barangay ng Balabag at Ilomavis, at mga lugar sa Poblacion na malapit sa Nuangan River at Saguing River.

Napag-alaman na nitong pang Miyerkules ay nagsimula ang pagbuhos ng malalakas na ulan sa Kidapawan City.

Samantala, inihayag naman sa DXVL News ni Cotabato City Pagasa Forecaster Roy Humawan sa DXVL News na hanggang sa susunod pang mga araw ang nararanasang mga pag-ulan sa lalawigan ng North Cotabato sanhi ng ICTZ. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento