Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 sundalo, pinabulagta ng BIFF

(Maguindanao/ June 23, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa dalawang kasapi ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas makaraang pagbabarilin sa may bisinidad ng Shariff Aguak, Maguindanao alas 3:45 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ngayong umaga kay Philippine Army 6th Infantry Division Public Affairs Officer Captain Joan Petinglay na galing sa pamilihang bayan ng lugar ang mga biktimang sina Private Milvert Nebrida at Private Edmund Antipuesto na kasapi ng 34th Infantry Battalion na buhat sa Visayas Region ng pagbabarilin ng mga suspek.


Lulan ang dalawa ng motorsiklo ng pagbabarilin ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF, ayon sa opisyal.

Ang dalawa ay kasapi ng rehabilitation mission ng 34th IB para sa pagsasa-ayon ng mga nasirang gusali ng paaralan sa Datu Unsay, Maguindanao.

Tinangay pa umano ng mga suspek ang motorsiklo ng mga biktima.

Naisugod pa sa bahay pagamutan ang suspek pero ideneklara na silang dead on arrival.

Pahayag ni Petinglay, na malinaw na walang pinipili ang BIFF sa paghahasik nila ng terorismo dahil pati ang mga sundalong hindi naman sangkot sa combat operation sa halip ay humanitarian mission ay pinupuntirya rin ng mga ito.

Sa kabila ng mga isinagawa nilang all-out offensive sa mga kaspi ng BIFF ay aktibo pa rin ang mga ito sa ibang lugar ng Maguindanao, ayon sa opisyal. Rhoderick Beñez





0 comments:

Mag-post ng isang Komento