Engr. Noel Agor
|
(Kabacan, North Cotabato/ June 19,
2015) ---Binigyan ng paliwanang ng Office of the Municipal Engineering Office
ang reklamo hinggil sa lubak-lubak na daan sa Brgy. Malanduage sa bayan ng
Kabacan.
Ayon kay Kabacan Municipal Engineer
Noel Agor sa panayam ng DXVL New, provincial road umano ito at mas mainam umano
na dumiretsong magrequest ang Brgy. Council ng Malanduage sa Provincial
Engineering Office.
Anya, gumagawa naman umano sila ng
mga aksyon dito kagaya ng pagtamtambak ng sa mga butas-butas na bahagi ng
nasabing daan sa pamamagitan ng mga limestones at iba pa.
Kaya umano nasisira ang aspalto na
daan o asphalt concrete dahil sa may halong langis o petroleum na masisira
kapag natamtambakan ng tubig o naiistambayan ng tubig.
Pahayag pa ng opisyal na titingnan
nila ang kanilang magagawa sa nasabing problema.
Samantala sa kapareho ring panayam ay
inihayag rin ng opisyal ang pagkaantala
ng ibang proyektong pang imprastraktura sa bayan ngayong taon.
Anya, hindi umano masimulan ang ibang
proyekto bunga na rin ng palagiang maintenance ncg mga Grader Equipment ngunit
inihayag nitong may mga Infrastructure Projects naman silang naipapatupad.
Lahat naman umano ng nakalinyang
proyekto ay may nakalaan nang pondo ngunit inuuna nila ang mga prayoridad na
mga proyekto. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento