Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Basketball Court, ibibigay ng Brgy. Poblacion Council sa Plang Village III

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Labis ang pasasalamat ng mga Purok Officials ng Plang Village III sa Brgy. Poblacion Council matapos na nangako itong maglalaan ng pondo upang gawing basketball court sa nasabing lugar sa nanganap na 5th Purok Fiesta ng nasabing purok kamakalawa.

Ayon kay Brgy. Poblacion ng bayan ng Kabacan Kapitan Mike Remulta na siyang naging panauhing pandangal sa nasabing selebrasyon, kanya umanong sisiguradohin na mapaglalaanan ng pondo ang nasabing proyekto sa gaganaping Annual Planning and Budgeting ngayong taon.


Anya ito umano ay alinsunod sa kanyang kampanya laban sa illegal na druga at maituon ang atensiyon ng mga kabataan sa nasabing lugar sa sports.

Laking pasasalamat naman ng mga Purok Officials ng Plang Village III sa pangunguna ni Purok President Olarico Lavalle Jr. sa proyektong ilalaan sa kanila ng Brgy. Kapitan.

P100,000 umano ang ilalaang pondo ng Punong Barangay sa purok at ang mga purok officials na ang magdadagdag sa mga kukulanging halaga.

Ibinida rin ni Kapitan Remulta ang kanyang mga ginagawang hakbang para sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanyang nasasakupan lalo na 24/7 na pagroronda ng mga BPAT ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mga mamamayan.

Ang Plang Village III ng Brgy. Poblacion ay kinabibilangan ng mga kabahayan na nakatayo sa bisinidad ng USM Compoud.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento