Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Beautician, timbog sa illegal na droga sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 48-anyos na beautician matapos mahulihan ng illegal na droga sa inilatag na saturation drive ng Matalam PNP sa Bus Terminal sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 10:45 ng umaga kahapon.

Sa report na nakarating kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Eduardo Ybanez, residente ng Taran Subdivision, Kidapawan City.

Narekober mula sa suspek ang anim na piraso ng medium size heat sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu.


Ngayong araw posibleng isasampa na ang kasong kakaharapin ng suspek na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Dugs Act of 2002. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento