Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Makitid na daanan sa Sinamar 1, Poblacion, Kabacan; masosolusyunan na; Pamilya Mapanao, pumirma na sa deed of Donation sa LGU

(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Pormal ng pinirmahan nina Mr. Rodolfo Mapanao, Sr. ang Donor at Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr., ang donee at ang representante ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan, ang Doc. No. 297, Page No. 60 Book 11 na Deed of Donation na pinagtibay naman ni Atty. Teresa Gagabe-Natividad kahapon ng umaga.

Ayon sa report ni Information Officer Sarrah Jane Corpuz Guerrero ang nasabing formal signing ay sinaksihan ni Barangay Poblacion Kagawad Edna Macaya at Mr. Norman Reynaldo R. Mapanao, apo ng Donor.


Si Mr. Rodolfo Mapanao, Sr. ay ang legal na may-ari ng lupang may sukat na One thousand, one hundred sixty-four square meters na ibinigay nito sa Pamahalaan ng Kabacan na gagamitin upang mas lalo pang mapalawak ang dinadaanan ng mga estudyante at residenteng nakatira sa Sinamar 1.

Ayon naman kay Mayor Guzman, isa itong napakalaking tulong sa Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pagpapalawig pa ng kaunlaran sa bayan.

Kanya ring ipinapaabot ang kanyang taos pusong pasasalamat sa pamilyang Mapanao sa kanilang kagandahang loob sa bayan ng Kabacan.

Aniya, isa umano itong legacy ng pamilya sa taong bayan, kaya naman ayon kay Vice-Mayor Myra Dulay-Bade ipapanukala nila sa Sangguniang Bayan ang bagong “Sinamar 1- Rodolfo Mapanao, Sr. St” na pangalan na siyang  papalit sa Sinamar 1 bilang pasasalamat sa pamilyang Mapanao. DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento