Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Contractor ng pader na gumuho sa Pikit Central Elementary School, pananagutin!

(Pikit, North Cotabato/ June 19, 2015) ---Dapat umanong managot ang contractor ng pader na gumuho sa Pikit Central Elementary School (PCES) sa bayan ng Pikit, Cotabato na ikinasugat ng tatlong mga estudyante alas 6:30 ng umaga kahapon.

Ito ayon kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Head Tahira Kalantungan sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan.


Kinilala nito ang mga nasugatang mga biktima na sina Al Bashir Dagulos, Norhan Dematingkay at Abdullah Jiasim lahat mga grade five pupils ng Pikit Central Elementary School (PCES).

Ayon sa opisyal, habang nasa labas pa ng paaralan ang mga bata dahil sa hindi pa nagsimula ang kanilang flag ceremony may isang sasakyan na dumaan malapit na pader na natumba dahilan kung bakit nagsipagtinginan ang mga estudyante.

Umakyat sa pader ang mga bata at hindi alam na sub-standard ang pagkakagawa ng pader.
Nadaganan ang mga ito at tatlo sa kanila ang nasugatan na agad na dinala sa pinakamapalit na bahay pagamutan.

Tatlong span ng pader ang gumuho na donated ng PTCA.


Dahil dito, nakatakdang magpulong ngayong araw ang mga guro, magulang at LGU ng Pikit sa nasabing paaralan, upang masagot bakit ganun na lamang ka sub-standard ang pagkakagawa ng pader. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento