Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 lalaki, kalaboso dahil sa illegal ng pagdadala ng baril sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang isang lalaki matapos na mahuli ng Kabacan PNP dahil sa illegal na pagdadala ng baril sa Brgy. Osias kamakalawa.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL News, kinilala nito ang suspek na isang Kadatuan Musa, 43 anyos, at residente ng Brgy. Patadon sa bayan ng Matalam.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nahuli ang suspek ng mga Kabacan PNP Personnels habang nagsasagawa ng checkpoints sa nasabing lugar alinsunod narin sa kanilang kampanya laban sa mga loose firearms sa direktiba ni Mayor Herlo P. Guzman Jr.

Dagdag pa ng opisyal, nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isang kalibre 45 na pistol.

Nang hingan ang suspek ng mga kaukulang papeles sa kanyang dalang baril ay wala itong maipakita.

Sa ngayon ay nakapiit sa Kabacan PNP Lock-up-cell ang suspek habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa RA 10591 o ang Illegal Position of Firearms. Mark Anthony Pispis



0 comments:

Mag-post ng isang Komento