Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7 katao, na arestado sa re: drug buy bust, sasampahan na ng kaso

(Kabacan, North Cotabato/ December 9, 2014) ---Kalaboso ngayon sa Kabacan PNP lock-up cell ang pito katao na naaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa panulukan ng Tandang Sora St. at Zamora St., Poblacion, Kabacan, Cotabato kagabi.

Ang operasyon ay deriktiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kung saan malapit din ito sa bahay ng alkalde.

Una na kasing ipinag-utos ng punong ehekutibo na tutukan ang illegal na droga sa bayan ng Kabacan.

Kinilala ni PCI Ernor Melgarejo, pinuno ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina: Mario Narcida, 53 anyos, may asawa, residente ng nasabing lugar. Efren Mangay-ayam, 38 anyos, may asawa, mag sasaka, residente ng Brgy. Bannawag. Razeid Lawani, 21 anyos, residente ng Mantawil St. Poblacion. Cesar Ramerez, 44 anyos, may asawa, residente ng Malvar St. Poblacion. Lahat ay sa bayan ng Kabacan, Cotabato. Ang dalawang babae naman ay sina: Ma. Isabelita Balolong, 39 anyos, residente ng Brgy. Sudapin Kidapawan City. Angel Diamante 19 anyos, residente ng Brgy. Lanang Davao City.

Ang mga suspek ay nahuli sa mismong residential house ni Mario Valdez.

Tumangka pang tumakas ang mga suspek ng patunugang paparating ang mga kapulisan pero nasakote pa rin ang mga ito makaraang mapalibutan ng mga kagawad ng pulisya at ilan pang elemento ng kapulisan ang nasabing hide out ng mga tulak droga.

Sa ngayon, nakapiit na sa Kabacan PNP lock up cell ang mga suspek para sa imbestigasyon.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Mabeth Navarro, DXVL News






DXVL News (Periodiko Express)                                                                     December 9, 2014
Pampasaherong van at tricycle nagkabanggaan sa Kabacan Cotabato
Wasak ang likuran ng isang pampasaherong van matapos mabangga ng isang tricycle sa kahabaan ng National Highway partikular sa harap ng Pilot Elementary School bayan ng Kabacan, kaninang pasado alas diyes ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon ng Kabacan PNP Traffic Division, bigla umanong nag over take ang naturang van na minamaneho ni Saidari Casi, 29 anyos, residente ng Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao upang pumick-up ng mga pasahero ng aksidenteng mabangga nito ang isang tricycle.
Ang naturang tricycle ay minamaneho ni Rolando Rivera Jr., 26 anyos, may asawa at residente naman ng Poblacion 8, Midsayap Cotabato.
Masuwerte namang walang nasugatan sa nangyaring insidente.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Desiree Baylon, DXVL News








DXVL News (Periodiko Express)                                                                     December 9, 2014
National Program na U4U o Sayo para Sayo, pormal na binuksan dito sa bayan ng Kabacan
Pormal na binuksan ang NationaL ProGram na U4U kaninang umaga dito sa bayan ng Kabacan.
Ang U4U o Sayo para sayo ay programa para sa mga kabataang nagkakaedad ng 15 pataas.
Ito ay isang araw na aktibidad na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan patungkol sa social issues ngayon gaya ng maagang pagbubuntis upang maging bukas ang kanilang mga isip  para sa mga ganitong pangyayari.
Katuwang ng programang ito ang United Nation Fund Population Activity (UNFPA), Commission on Population, Provincial Government of North Cotabato at ang LGU Kabacan.
Nilahokan naman ito ng mga HighSchool Students ng ibat ibang paaralan dito sa bayan.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Ruth Oyao, DXVL News







0 comments:

Mag-post ng isang Komento