(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2014)
---Suportado ng iba’t-ibang sektor ang pagbubukas ng Mindanao Week of Peace sa
bayan ng Kabacan.
Ang programa ay pormal ng binuksan sa
pamamagitan ng Walk for Peace alas 5:30 ng madaling araw kanina.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng K5 o
Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran ng Kabacan kung saan naka sentro ang tema ngayong taon sa “We
pray for Long lasting Peace in Mindanao: Share, Live and Proclaim Peace.
Napag-alaman mula kay Sister Theresa Rose
Salazar, OND Animator ng K5 na ang Mindanao Week of Peace sa Kabacan ay nasa
ika-anim na taon na.
Ayon kay K-5 President David Don Saure na
ang naturang aktibidad ay inaalay para sa kapayapaan ng Bayan ng Kabacan at
lalung-lalo na sa buong Mindanao.
Dinaluhan ito ni Hon. Gov. Emmylou “lala”
Taliňo Mendoza, Kabacan Municipal Mayor Herlo P.Guzman Jr. USM President Francisco
Gil N. Garcia at iba’t ibang sektor at organisasyon kabilang na ang USM ROTC,
PNP Kabacan, Notre Dame of Kabacan, Osias High School, Kabacan Wesleyan
Academy, Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), Joint Motorcycle Action
Group (JMAG), AT Asian Colleges and Technological Institute Incorporated at
maraming iba pa. Ruth Oyao
0 comments:
Mag-post ng isang Komento