Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Boarding House ng Estudyante, nilooban mga laptop at cell phone, natangay

(Kabacan, North Cotabato/ December 3, 2014) ---Tinangay ng kawatan ang isang netbook at isang cellphone ng estudyante ng Asian College Inc. na pansamantalang nangungupahan sa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 7:30 kagabi.

Batay sa report, kinilala ang biktima na si Hapida Piang Lamada, 25 anyos, residente ng Pikit North Cotabato at kasalukuyang nanunuluyan sa Cunanan boarding house sa Beting St. Brgy Osias Kabacan, Cotabato.

Ang netbook ay isang acer brand, kulay asul na may charger na nagkakahalaga ng P13,000 at ang cellphone naman ay isang Nokia brand, kulay puti, na nagkakahalaga ng P10,000.

Ayon naman sa biktima, kinilala ang suspek na si Dods na di umanoy nag nakaw ng kanyang mga gamit.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon sa nasabing insedente.

Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern Mabeth Navarro DXVL NEWS








DXVL (Periodiko Express)                                                                  December 3, 2014
Laptop at Cellphone ng isang estudyante sa USM, natangay!
Natangay ng mga di pa nakilalang mga kawatan ang isang laptop,acer brand, kulay asul na nagkakahalaga ng 27,000 at cellphone, myphone brand, kulay puti at nagkakahalaga ng 3,000 sa isang boarding house sa USM Avenue, Brgy.Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 11:30 ng umaga kanina.
Ito batay sa report ng Kabacan PNP, makaraang inireport ito ng biktima na kinilalang si Kate Drenie Nicer Sionillo, 20 anyos, estudyante ng USM at resident eng Purok Mangga, Brgy. Poblacion, Matalam, Cotabato.
Nakacharge umano ang kanyang laptop na nakalagay sa kanyang kama ng bigla itong nawala kasama na rin ang kanyang touchscreen na cellphone.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insedente.

Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern Ruth Oyao DXVL NEWS










DXVL (PERIODIKO EXPRESS)                                                                           DEC. 3, 2014
PAGBUBUKAS NG USM FACULTY AND STAFF MEET NAGING MATAGUMPAY
Naging matagumpay ang pagbubukas ng USM Faculty AND staff meet 2014 kaninang umaga na pinangunahan ni USM president Francisco Gil N. Garcia.
 Sinundan naman ito ng iba’t-ibang mga aktibidades sa pangunguna ng Dean ng Institute of Sports Physical Education and recreation na si Dr. Judy L. Garcia.
(VO: Dr. JUDY L. GARCIA)
KUNEKTADO KA SA MGA BALITA, USM DEVCOM INTERN, CHARLENE JOY BASAL KASAMA SI DESIREE BAYLON, DXVL NEWS.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento