(Kabacan, North Cotabato/ December 2, 2014)
---Nagbigay ng paalala ang Cotabato Electric Cooperative matapos makaranas ng
mahabang power interruption ang bayan ng Kabacan kahapon ng hapon.
Ito dahil sa apat na kawayan na natumba sa
69KV line o transmission line ng kuryente.
Ayon sa panayam ng DXVL kay Cotabato
Electric Cooperative Spokesperson Vincent Baguio na iwasan ang paggawa ng mga
aktibidadis gaya ng pagputol ng kahoy malapit sa 69KV line o transmission line
ng kuryente, dahil kapag natamaan ito, magdudulot ito ng shutdown ng kuryente
sa buong coverage area ng COTELCO.
Dagdag pa niya naglagay na sila ng mga
babala o danger high voltage line signage malapit sa transmission line.
(VC
COTELCO spokesperson Baguio)
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom
Intern Ruth Oyao DXVL News
PAGBABANTA
SA BAYAN NG KABACAN, PATULOY PA RIN
Patuloy paring nakakatanggap ng pagbabanta
ang bayan ng Kabacan at buong lalawigan hinggil sa pambobomba sa iba’t- ibang
parte sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon sa sinabi ni, PINSP Arvin John Cambang,
nakakatanggap parin di umano sila ng mga impormasyon at textmessages hinggil sa
pagbabanta sa bayan.
Agad namang inaksiyonan ng mga kapulisan sa
pamamagitan ng pagpapaigting sa seguridad ng mga mamamaya, pagpapakalat ng
checkpoint, police visibility sa matataong lugar at sa tulong BPAT at Local
Government Unit ng Kabacan.
(VO:
PINSP ARVIN JOHN CAMBANG)
CHARLENE
JOY BASAL
Kabacan PNP, Pinaghahandaan ang pagsalubong ng Pasko at pag sapit ng
bagong taon
Pinaghahandaan ng Kabacan PNP ang pagsalubong ng Pasko at pagsapit ng bagong taon.
Ito ang sinabi kahapon sa DXVL Radyo ng bayan ni P/CInsp. Ernor Melgarejo, ang bagong OIC ng Kabacan PNP.
Matatandaan namang mas pina igting ang seguridad sa bayan matapos ang pamomomba.
Sinabi ng opisyal na may ipapakalat na silang elemento at tauhan ng PNP sa mga pangunahing lugar at matataong lugar sa bayan.
Nagpapatuloy naman ang kanilang visibility at mobile patrol. Pinapaigting din ang bawat check at chockpoints.
Dagdag pa niya, magiging visible ang presensya ng mga kapulisan sa ibat ibang pampublikong lugar at lansangan upang matiyak ang kaligtasan ngayong darating na kapaskuhan at bagong taon.

(VO: P/Insp. Ernor Melgarejo)
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern Mabeth Navarro DXVL News
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom Intern Mabeth Navarro DXVL News
Mahabang
power interruption, naranasan sa bayan ng Kabacan
Nakaranas ng mahabang power interruption ang
bayan ng Kabacan, kahapon ng hapon.
Ito ay dahil sa apat na kawayan na natumba
sa 69KB line na kumukonekta sa Substation line ng NGCP at substation line ng
COTELCO.
Ayon sa panayam ng DXVL kay COTELCO
Spokesperson Vincent Baguio, isang lalaki umano ang nagputol ng kawayan at
aksidente namang tumama sa nasabing linya ng kuryente dahilan ng naranasang
power interruption.
Agad namang rumisponde ang 69KB crew upang
mapabilis ang pagsasa-ayos nito.
Paalala naman ni Baguio sa mga konsyumer ng
kuryente na iwasang magkaroon ng anumang aktibidades malapit sa mga linya ng
kuryente.
(VO:
TINIG NI SPOKESPERSON BAGUIO)
DESIREE
BAYLON
0 comments:
Mag-post ng isang Komento