Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kumakalat na text messages tungkol sa panghaharas ng MILF; pinabulaanan ng MILF spokesperson

(Kabacan, North Cotabato/ November 28, 2014) --- Pinabulaanan mismo ng MILF ang mga kumakalat ng text messages na maghahasik ng karahasan ang kanilang grupo sa Mindanao dahil umano sa hindi magandang takbo ng Banngsamoro Framework.

Ito ayon kay MILF Spokesperson Civil Military Chief Von Alhaq sa panayam ng DXVL News.

Anya, pati umano ang kanilang pamunuan ay nakakatanggap ng mga mensahe.


Giniit ng opisyal na kagagawan lamang ito ng mga taong ayaw sa kapayapaan at hindi nila kilala ang mga grupong nasa likod nito.

Inilarawan ng MILF Spokesperson ang nasabing mga paninira sa kanilang grupo bilang Block Propaganda at nanawagan sa mga mamamayan ng lalawigan ng North Cotabato na maging vigilante.

(Voice Clip)

Samantala, kampante naman umano ang MILF sa magandang Takbo ng Bangsamoro Framework at umaasang maipapasa ito at magiging batas.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento