(Arakan, North Cotabato/ November 28, 2014)
---Kritikal ang kondisyon ng isang 15-anyos na out of school youth makaraang
tagain ito ng isang lalaki sa Brgy. Badiangon, Arakan, Cotabato alas 8:40
kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan
PNP ang biktima na si Christian Jay Luces residente ng nasabing lugar habang
kinilala naman ang suspek na si Jay Legaria, 20-anyos residente ng Sitio
Kaumpeg, Tempuran, Magpet, Cotabato.
Nagtamo ng taga ang biktima sa ulo nito
dahilan para isugod sa Medical Specialists Kidapawan City.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, bago
nangyari ang insedente nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo na humantong sa
suntukan hanggang sat again ni Legaria si Luces gamit ang isang itak.
Matapos ang insendente mabilis naman na
tumakas ang suspek.
Sa ngayon nagpapatuloy parin ang
imbestigasyon ng
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom
Intern Mabeth Navarro DXVL NEWS
DXVL (Periodiko Express)
November 28, 2014
Seguridad
sa bayan ng Kabacan, mas pinaigting re: pagdiriwang ng 62nd Founding
Anniversary ng Poblacion
Nakalatag na ang seguridad sa Poblacion ng
Kabacan kaugnay sa pagtatapos ng selebrasyon ng 62nd Founding
anniversary ng Poblacion.
Ito ang ginawang pagtitiyak ni Poblacion
Kapitan Mike Remulta.
Una dito, dinagdagan din Provincial
Director, P/SSupt. Danilo Peralta ang kapulisan ng Kabacan para sa pagdiriwang
ng 62nd Founding Anniversary upang maiwasan ang krimen at karahasan sa bayan.
Ito’y bunsod sa nangyaring pamomomba
kamakailan lamang.
Ayon sa kanya, nakipag ugnayan na din siya
kay Mayor Herlo P. Guzman na dagdagan ang tinatawag na Force Multiplier
kabilang na dito ang BPAT, CVO, at mga Brgy. Tanod para mas mapaigting pa ang
pagpapatrolya sa bayan ng Kabacan.
Kaugnay nito, naglagay na sila ng tarpaulin
sa buong probinsya ng Cotabato na naglalaman ng litrato ng suspitsyadong
tirurismo at hotline # ng kapulisan para makibahagi sa pag sugpo ng masasamang
elemento sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon.
Kunektado ka sa mga balita, USM Devcom
Intern Mabeth Navarro DXVL News
DXVL (Periodiko Express)
November 28, 2014
Magsasaka,
itinumba!
Bulagta ang isang magsasaka, matapos itong
pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa panulukan ng Cocoseco, Poblacion,
Matalam, Cotabato mag-aalas 9:00 kagabi.
Sa report ni SP01 Froilan Gravidez ng
Matalam PNP kinilala ang biktima na si Ernesto Planas, 41 anyos, residente ng
Purok Bird Paradise, Poblacion bayan ng Matalam.
Papauwi na umano ang biktima galing sa kanyang
taniman nang agad itong pagbabarilin sa harap ng bahay ni Juanito Osis ng hindi
pa nakikilalang suspek .Nagtamo ang biktima ng sugat sa dibdib dahilan ng
kanyang agarang kamatayan.
Narekober naman sa pinangyarihan ng
insedente ang isang basyo ng Calibre 45.
Nakaratay ang biktima sa Collado Funeral
Homes, bayan ng Matalam.
Patuloy ngayong inaalam ang motibo at
pinaghahanap ng pulisya ang naturang suspek.
DESIREE
BAYLON
Congressman
Tejada, binisita ang mga CHED scholars
Pahalagahan ang pag-aaral- ito ang naging
mensahe ni Congressman Jose “Ping2x” Tejada sa mga CHED Scholars ng USM,
kaninang umaga.
Bumisita si Cong. Tejada sa mga CHED
scholars para makilala, maipahayag ang mithiin at kahalagahan ng pagbibigay ng
CHED scholarship.
Ayon sa kanya kabilang sa mga munisipalidad
na sakop ng programa ay ang Banisilan, Arakan, Carmen, Matalam, Mlang, Tulunan.
Dumalo rin sa pagtitipon sina USM president
Francisco Gil N. Garcia, OSA director Nicolas Turnos, Hon. Councilor Jonathan
Tabara at Hon. Mayor Herlo P. Guzman Jr.
CHARLENE
JOY BASAL
0 comments:
Mag-post ng isang Komento