Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Chairman, nakaligtas sa pananambang sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 5, 2014) ---Tinambangan at pinagbabaril ng hindi pa matukoy na bilang ng mga suspek ang barangay Chairman ng Pisan na si Capt. Nestor G. Ranay 38 anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay pasado alas dyes ng gabi kagabi.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, nangyari umano ang insidente sa mismong bahay ng biktima gamit ang kalibre .45 at M16 riffle.

Maswerte namang walang tinamaan ng bala sa insidente.

Sa ngayon patuloy paring iniembestigahan ng mga otoridad kung sino ang salarin at ano ang kanilang motibo.

Konektado ka sa mga balita, USM devcom intern, Charlene Joy basal, DXVL news.











DXVL (Periodiko Express)                                                            December 5, 2014
Ambulansya at motorsiklo nagkabanggan, drayber ng motorsiklo sugatan
Sugatan ang drayber ng isang motorsiklo matapos nitong banggain ang isang ambulansya sa kahabaan ng National Highway, Matalam Cotabato, pasado alas dos kahapon ng hapon.
Sa imbistigasyon ng Matalam PNP, tinatahak ng nasabing ambulansya na may plakang SGX 372 ang National Highway at nang makarating ito sa may Purok 5, Brgy. Manubuan bayan ng Matalam ay aksidente itong banggain ng isang SRM Sunriser na motorsiklo na plakang 1921 GP na minamaneho ni Tapadan B. Tamangco residente ng nasabing bayan.
Ang nasabing ambulansya ay minamaneho ni Arly Agustin Gualberto, 42 anyos at residente ng Ranzo, Carmen Cotabato at napag-alaman na ito ay nakarehistro sa LGU Carmen.
Dahil sa lakas ng impak ay parehong nagkaroon ng damage ang dalawang sasakyan.
Sa ngayon nasa kustodiya ngayon ng Matalam PNP ang dalawang sasakyan habang nagpapatuloy ang ginawang imbestigasyon.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Desiree Baylon , DXVL News







DXVL (Periodiko Express)                                                            December 5, 2014
Ilang pangunahing bilihin sa Kabacan Public Market, nanatili pa rin ang presyo
Halos nanatili pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa palengke ng Kabacan tulad ng bigas. Sa kasalukuyan ang Masipag ay nagkakahalaga ng 40 pesos , V-64 40 pesos , Tonner 42 pesos , M-3 37 pesos, RC-18 38 pesos at Matatag 37 pesos.
Gayundin ang kilo ng manok nanatili pa rin sa 140 pesos ang kilo, karne ng baka 200 pesos ang kilo , karneng baboy 160 ang kilo, ang bangus naman ay 120 ang kilo, Budburon 120 ang kilo at Pusit 120 ang kilo.
Samantala tumaas naman ang kilo ng gulay, kung dati ang repolyo ay 50 pesos ang kilo ngayon 60 pesos ang kilo na, ang carrots na 50 per kilo noon sa kasalukuyan ay 70 pesos per kilo na, ang petchay na 5 pesos per tali ngayon 10 pesos per tali na, patatas ay 80 pesos per kilo, sibuyas 80 pesos per kilo, ang bawang na 100 pesos per kilo ngayon 150 pesos per kilo na, luya 150 pesos per kilo at ang pansit ay nananatili pa rin sa 30 pesos per kilo.
Patuloy na tututukan ng DXVL ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong nalalapit na ang kapaskuhan at bagong taon.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Ruth Oyao , DXVL News








DXVL (Periodiko Express)                                                            December 5, 2014
Christmas break ng mga mag-aaral sa USM, sa December 18 na!
Inanunsyo ni USM Pres. Francisco Gil N. Garcia na ang Christmas break ng estudyante sa Unibersidad ng Katimugang Mindanao ay ngayong ika- labing walo ng Disyembre.
Samantala, ngayong ika-dalawamput tatlo naman ng Disyembre ang Chistmas break ng mga kawani ng Unibersidad.
Una na din niyang sinabi na may matatanggap na Christmas bonus ang mga kawani ng Unibersidad bagamat di pa niya sinabi kung magkanu ang matatanggap.
Ang sinigurado niya ay magiging maligaya ang bawat isa sa darating na Pasko.

Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Mabeth Navarro , DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento