(Amas, Kidapawan City/ December 5, 2014) ---Nanawagan
ngayon ang Department of Education Cotabato division sa lahat ng mga mag-aaral
at guro sa lalawigan na gawing makabuluhan ang Christmas party.
Ito ang sinabi ni DepEd Cotabato Division
Supt. Omar Obas sa panayam ng DXVL News.
Aniya gawing simple at makabuluhan ang
Christmas party sa pamamagitan ng pangangalaga ng ating kalikasan sa
pamamagitan ng pagtanim ng mga punong kahoy.
Maliban pa sa pagtulong sa mga nasalanta ng
nagdaang kalamidad partikular na ang mga biktima ng bagyong Yolanda.
VC:
Una dito, inanunsyo ng opisyal na sa
Disyembre a-19 pa ang Christmas break ng mga mag-aaral pero kung matutuloy ang
Muslim Holiday sa nasabing petsa ito ay iuurong sa Disyembre a-18.
Umaapela din ito sa mga guro sa lalawigan na
dapat ay sundin ang petsa ng Christmas break at dapat gawin itong sabay-sabay.
VC: ang naging pahayag ni DepEd Cotabato
Division Supt. Omar Obas
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Ruth Oyao, DXVL News
DXVL (The Morning News)
Dec. 5, 2014
Reklamao
sa Malabuaya Elementary School, pinabulaanan ng DepEd Supt ng Cotabato Division
Pinabulaanan ng Cotabato Division
Superintendent Omar Obas ang reklamo sa Malabuaya Elementary School bayan ng
Kabacan, na kung saan isang guro umano ang di ginagampanan ang kanyang
tungkulin.
Ayon sa panayam ng DXVL kay Obas, tinawagan
umano niya ang principal ng nasabing paaralan upang kumpirmahin ang nasabing reklamo
at batay sa sinabi ng punongguro, ito ay kasinungalingan lamang sapagkat nag
file umano ito ng leave of absence dahil nagkasakit ito.
Dagdag pa niya bago ito umalis para sa isang
Congress sa Koronadal at General Santos City ay nagpaalam umano ito para sa
maayos na pamamalakad ng naturang paaralan.
(VO
Obas) ang naging paliwanag ni Co
Pero
sakaling man mapatunayan ang nasabing reklamo may nakahandang karampatang tugon
naman ditto ang pamaunuan ng DepEd Cotabato.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern Desiree Baylon, DXVL News
DXVL (The Morning News)
Dec. 5, 2014
Pormal
ng sinampahan ng kaso ang isang lalaking naaresto sa isinagawang operasyon ng
Kabcan PNP at CIDG kontra iligal na droga
Pormal ng sinampahan ng kaso ang isang
lalaking naaresto sa isinagawang operasyon ng Kabcan PNP at CIDG kontra iligal
na droga sa Brgy. Kayaga Cotabato kamakalawa.
Ang kasong kahaharapin nya ay Comprehensive
Fire Arms and Ammunition Regulation Act at Dangerous Drug Act of 2002.
Kinilala ang suspek na si Abubakar Abdul
Mantis pawang residente ng nasabing lugar.
Nakuha sa mismong bahay ng suspek ang anim
na small sachet at isang jumbo pack na shabu na nagkakahalaga ng 200-250, 000.
Bukod
dito nakumpiska din ang mga iligal na baril gaya ng 12 gauge shotgun, isang
kalibre .45 , isang 38 calibre revolver at tatlong fragmentation grenade.
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom
Intern, Mabeth Navarro, DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento