Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

President Roxas PNP, may paalala sa mga Motorista

(Pres. Roxas, North Cotabato/ December 3, 2014) ---Nagbigay ng paalala si Traffic Officer ng President Roxas PNP SPO1 Jessi Rasgo sa lahat ng mga motorista na dumadaan sa may bahagi ng Brgy. Greenhills, pres. Roxas North Cotabato.

Ito ay matapos ang nangyaring aksidente, pasado alas onse, kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng President Roxas PNP, nawalan umano ng preno ang isang pampasaherong jeep dahilan para mahulog ito sa bangin ng nasabing lugar na ikinasugat ng 16 na trabahante ng isang construction site kasama na ang drayber nito.

(Voice Clip) yan ang tinig ni Traffic Officer ng President Roxas PNP SPO1 Jessi Rasgo
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Desiree Baylon, DXVL News








DXVL (The Morning News)
December 3, 2014
PAMPASAHERONG JEEP NAHULOG SA BANGIN, 17 SUGATAN, SA ANTIPAS NORTH COTABATO.
Nahulog ang isang pampasaherong jeep sa bahagi ng Barangay Greenhills, Antipas, North Cotabato, pasado alas onse ng umaga kahapon.
Ayon sa sinabi ni SPO1 Jessi Rasgo ng Pres. Roxas PNP, sumabog umano ang preno na naturang Jeep na may plakang MVE 503 dahilan upang mawalan ito ng control na ikinabangga sa railings at diretsong nahulog sa bangin ng nasabing lugar na ikinasugat ng 16 na construction worker at drayber nito na patungo sana sa CFCST.
Kinilala ang mga sugatan na sina: Reyno Dariana 26 y/o katidtuan, John Ortouste 29 y/o Osias, Johnny Bilway 44 y/o osias, Armando abaya 29 y/o dagupan, Arnel Balake 41 y/o Dagupan, Alfredo Balanag 46 y/o Osias, Ian Jay Castillo 28 y/o Dagupan, Johnray Sumbe 30, Osias at Jay Layagan 36 na pawang taga ng Kabacan Cot.
Kabilang din sa mga sugatan sina: Allan Jaman 31 y/o Pikit, Lee Ciano 30 y/o Kidapawan City, Ian James Sagudang 21 y/o malamote, Edison Molao Pagalungan Maguindanao, Jeno Cawangin 21 y/o Malamote Matalam, Norhan Alon 19 Pagalungan Mag. at ang drayber na si Datuputi Matalam 30 y/o Pikit.
Isinugod ang mga biktima sa Antipas Medical Specialist.
(Voice Clip) ang tinig ni Traffic Officer ng President Roxas PNP SPO1 Jessi Rasgo
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Charlene Basal, DXVL News


DXVL (The Morning News)
December 3, 2014
Pitong taong gulang pababa na anak ng mga kawani ng USM, mabibigyan ng pamaskong handog
Mabibigyan ng pamaskong handog ang mga batang pitong taong gulang pababa na anak ng mga kawani ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao.
Ito ayon sa panayam kay Usm President Francisco Gil N. Garcia, sa panayam ng DXVL.
Ang programang ito ay isang pasasalamat na gaganapin sa USM Gymnasium ngayong ika-17 ng Disyembre 2014.
Sinigurado ni USM President na magiging masaya ang programang ito.
(VO: USM Pres. Francisco Garcia)
Bagamat may nilulutong pamaskong handog naman ang Unibersidad para sa mga kawani nito tumanggi muna itong ihayag ng USM Pres. Francisco Garcia.
(VO: USM Pres. Francisco Garcia)
Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern, Mabeth Navarro, DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento